MATAPOS matikman ang galit ng Vilmanians at ng madlang pipol, nag-issue ng public apology si Kris Aquino para kay Gov. Vilma Santos na nakaranas ng matinding pamba-bash sa social media dahil lang sa maling grammar at spelling sa ipinadala niyang card kay Kris.
Sey ni Kris na-offend siya sa mga balitang sinadya niyang i-post ang card na bigay ni Ate Vi para ipahiya ito sa buong mundo. Ayon sa TV host nang magsalita siya sa Aquino & Abunda Tonight, “Ako, I take offense doon sa nagsasabi na I meant her harm by posting that. I didn’t. You know I’m a fan, you know I’m a Vilmanian.”
“It did not bother me,” sabi ni Kris sa maling spelling ni Ate Vi, “Ako po ‘yung recipient ng card. Kung ako, noong binabasa ko, hindi ko tsinek, hindi ako nagpaka-English teacher doon sa card na ‘yon…what touched me was the honesty, the sincerity, the genuine kindness that she showed me.”
“Ang mali ko doon, ‘di ba, I forgot that I do have one million followers on Instagram. Now, I realize also na my good intentions of showing my appreciation to her can be taken the wrong way,” chika pa nito.
Pahabol pa ni Kris, “I love you, Ate Vi. I apologize, Ate Vi, doon sa stress na binigay nito sa’yo, pero sinabi ko nga, ‘You’re too blessed to be stressed.'”
Bago nagsalita si Kris, nag-isyu rin ng statement si Vilma, anang aktres, “Maliit na issue. Napalaki lang! Ok lang yan! Honest mistake. Hehe! Tomorrow is another day !! :)) Trabaho lang ako at importante yun. Salamat!”
( bandera.ph file photo )