‘Ipagdasal natin si tito Dolphy!’ | Bandera

‘Ipagdasal natin si tito Dolphy!’

- January 30, 2012 - 02:05 PM

ILANG beses nang labas-masok si tito Dolphy sa Makati Medical Center.

Nu’ng makausap namin ang ilang kamag-anak ni tito Dolphy a few days bago siya isinugod ulit sa hospital ay maayos na raw ang lagay nito.

Much better na raw ang kundisyon niya.

Di ba’t may lumabas pang balita na in a few weeks ay babalik na siya sa pagtatrabaho?

May bago yatang inilatag na show ang TV5 for him to star in.

Kaya lang, mukhang hindi na raw muna matutuloy ang pagbabalik-telebisyon ng Comedy King dahil sumama na naman daw ang kundisyon nito ngayon.

Ayon sa source natin, hindi raw maganda ang lagay ni tito Dolphy this time.

Nang makarating sa akin ang mensahe from a dear friend regarding his bad condition, kinabahan ako.

Kasi nga, sanay naman akong mabalitaang nasa hospital si tito Dolphy pero nang sabihin ng source ko na hindi maganda ang lagay niya this time, I was alarmed. I immediately prayed for him.

Ayokong mag-isip ng something negative about his condition but I can’t help but pray for him.

Kayo rin po sana, please pray for tito Dolphy. Sana ay bumalik agad ang sigla niya.

Mahirap talagang magkasakit lalo pa’t may edad ka na.

Minsan kasi ay hindi na nakakayanan ng system natin ang mga gamot na iniinom natin or hindi na ganoon kalakas ang resistensiya natin para tanggapin ang mga pinagsasaksak sa atin sa hospital.

Hay naku, huwag naman sana. Let’s pray na gumaling agad si tito Dolphy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bigyan pa siya ng Panginoon ng mahabang buhay. Harinawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending