Anak ni Greta biglang nag-iba ang itsura, nagparetoke


Nasa cover ng isang glossy magazine si Dominique Cojuangco. Ang pretty ng daughter ni Gretchen Barretto, ha. In fairness, ang ganda-ganda ng kanyang shot, very beautiful ang kanyang aura na medyo mysterious kasi hindi siya nakangiti pero hindi rin naman nakasimangot.

Anyway, nagtalu-talo ang mga tao sa kanilang mga comments sa isang  website. May nagsasabing nagparetoke si Dominque pero slight lang, meron namang nagsasabing all natural ang kanyang beauty.

Hindi lang ‘yan. Meron ding nagkumpara kay Dominique sa anak ni Marjorie Barretto na si Julia Barretto. “Let’s all face the matter honestly. Mas maganda si julia, yung cousin niya.

But mas sosy ang arrive nitong si dom,” sabi ng isang believer ni Dominique. “She may not have the prettiest face among her cousins but she has the most ‘mukhang mayaman’ of them,” ang nakakalokang comment naman ng isa.

“They say julia is the most beautiful barretto’s breed. Like whuuut? I think dom is more beautiful and mas may appeal. Not to mention that shes a smart girl. Cool ng aura,” comment pa ng isang gusto ang beauty ng anak ni La Greta.

“I follow her on instagram and shes really pretty..not to mention smart too..kahit candid shots maganda sya..i like her more than julia..mas me class,” one guy said.

“The more she gets exposed to the limelight, her features change… mas maganda pa sya nung itinatago sya ni gretchen from the public. baka mag-ala KC din ito. at some point nawala na curiosity ng mga tao sa kanya, nagsawa na kasi lagi na nakikita,” one fan noted.

( Photo credit to EAS )

Read more...