Bayad-laman, puwede

Sulat mula kay Nilda, ng Cabadbaran City, Caraga
Dear Sir Greenfield,
Nahihiya man ako ay tinanggap ko ang alok na pera ng kaibigan kong lalaki, kahit hindi lubos ang pagkakakilala ko sa kanya.  Anuman ang kanyang dahilan sa pagpapautang ng pera sa babaeng hindi rin niya lubos na kilala ay hindi ko na inisip.  Kung kapalit nito ay laman ko ay hindi ko pa alam ang sagot.  Nang dahil sa kanyang pera ay nakapagpa-tuloy ako ng pag-aaral, pero hindi ko alam kung saan kukuha ng pera sa susunod na semestre.  Bahala na.  Biglang umalis ang lalaking ito dahil nagkagulo sa barangay namin at pinaghinalaan siyang kaaway ng mga sundalo.  Doon ako nakaramdam na kailangang bayaran ko siya. Kung hiniling niya na bayad-laman na lang ay puwede na rin. Pero, mabait siya sa akin.  Paano ako makababayad sa kanya.  Kursong guro ang kinukuha ko.
Umaasa,
Nilda, ng Cabadbaran City, Caraga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Mahaba ang guhit ng career line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.) at magandang pangitain ito.  Kahit na hindi mo alam kung saan kukunin ang matrikula sa susunod na semestre ay bubungad na lang ang kalutasan sa problema mo at makapagpapatuloy ka sa pag-aaral.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Five of Diamonds at Three of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing tulad ng nangyari na, at kasalukuyang mangyayari at mangyayari pa, sa tulong uli ng isang lalaking malapit sa iyo, magugulat ka, bigla ka uling magkakapera, upang matugunan ang panga-ngailangan mong pang-materyal at  tuluy-tuloy ka pa ring makapag-aral.
Itutuloy….

Read more...