Theme song ng serye nina Bea at Paulo patok sa masa


Samantala, very proud si Angeline sa bagong album niya, ito ngang koleksiyon ng theme song ng Primetime Bida series na Sana Bukas Pa Ang Kahapon starring Bea Alonzo, Paulo Avelino at Maricar Reyes.

Sa launching nga nito last Thursday, halos lahat yata ng nanood sa kanyang special mini-concert ay umuwing maligaya.
“Lahat po ng kanta sa soundtrack ay magkakabit-kabit at may kaugnayan sa buhay ng lahat ng karakter sa serye,” anang dalaga na kasali rin sa nasabing soap playing as herself.

Nakapaloob sa “Sana Bukas Pa Ang Kahapon Official Soundtrack” ang theme songs ng kwento nina Rose at Emmanuelle (parehong ginagampanan ni Bea) sa kanilang paglaban para sa pamilya, pag-ibig, at sa paghahanap ng hustisya.

Bahagi ng track list ang mga kantang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon,” “Gusto Kita,” “Why Can’t It Be,” “Umiiyak Ang Puso,” at “Someday.” Kasama din ang “Wherever You Are,” “Hindi Ko Kaya,” “Muli,” at “Forever” (duet with Erik Santos).

Samantala, maaari n’yo uling mapanood si Angeline sa kanyang “Angeline Quinto Sings Themes From Sana Bukas Pa Ang Kahapon” live show sa 19 East Bar & Grill tuwing Huwebes ng gabi mula Hulyo 3 hanggang Agosto 21 (Hulyo 10, 17, at 31, at Agosto 7, 14, at 21).

Ang “Sana Bukas Pa Ang Kahapon Official Soundtrack” ay mabibili na sa record bars nationwide. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sa iTunes, www.amazon.com, www.mymusicstore.com.ph, at www.starmusic.ph.

Huwag palampasin ang mga mas umiinit na tagpo sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon gabi-gabi pagkatapos ng Ikaw Lamang sa ABS-CBN Primetime Bida.

( Photo credit to angeline quinto official fanpage )

Read more...