Masaya si Empress dahil nabigyan ulit siya ng chance na magbida sa panghapong teleserye sa Kapamilya network.
Matatandaan na unang inilunsad si Empress sa panghapong fantasy-drama series na “Rosalka.”
Ngayon ay gagampanan ni Empress ang papel bilang isa sa mga anak ni Eula.
Narito ang exclusive interview ng BANDERA kay Empress:
BANDERA: Ano ang espesyal sa bago mong teleserye sa Kapamilya Gold?
EMPRESS: Ah, ayun po, drama itong teleserye na ‘to pero nakita ninyo naman ‘yung kalidad niya.
Parang kahit na super heavy, kahit na Kapamilya Gold siya, ibibigay namin ‘yung best namin na parang pang-primetime katulad ng pinag-usapan kanina, kahit pang-world class.
Tapos super maganda po ang casting. Nandiyan si Ms. Eula Valdes, Ms. Tessie Tomas, lahat po ng beteranang artista at syempre ‘yung mga bagong artista katulad po namin. So, pinaghalu-halo po ‘yun.
Tapos it’s a drama pa po. Ayun po ang maihahandog namin at syempre sa kanya-kanyang character. Marami ring pasabog na aabangan at kaabang-abang.
B: Hindi ka ba kinabahan sa mga eksena n’yo ni Eula?
E: Oo nga po. Kinabahan po ako pero mas na-excite ako kasi gusto ko po ‘yung ganu’n.
Gusto ko ‘yung nape-pressure ako, natsa-challenge ako, ‘yung kinakabahan ako kasi alam ko po na sa pamamamagitan noon mas lalo akong matututo.
So, masayang-masaya po ako nu’ng mabigyan ako ng ganitong chance.
B: Ramdam mo ba na magiging maganda ang taong ito para sa ‘yo dahil umpisa pa lang ng 2012 may bago ka na agad soap sa ABS-CBN?
E: Oo nga po. Ah, Masaya, maganda po ang start ng taon kasi pagpasok ng 2012, e, ipapalabas ‘yung bago naming show. Masaya at sana po tuluy-tuloy.
B: Kumusta naman ang lovelife mo?
E: Wala pa pong lovelife kasi career po muna talaga ang iniintindi ko.
B: Bawal ka pa bang main-love?
E: Hindi naman po sa bawal pero siyempre mas gusto nila na wala. Pero sa akin naman po hindi ko pa naman nakikita ‘yun. Mas talagang nagpo-focus po ako, eto ‘yung career kasi masaya ako na meron.
B: Ano ang nasa top list mo na gusto mong gawin ngayong 2012?
E: Gusto ko ng mas maraming challenges when it comes to my career, unang-una gusto kong mag-swimsuit, two-piece. Hihihihi!
Pero hindi on cam, ha, at off-cam. Sana payagan ako ng nanay ko.
Kasi wala akong confidence sa katawan ko. So, sabi ko sana pumayat ako ngayon at mag-try ako na makapag-two piece. Gusto kong mag-beach, e.
Top two sana, kakatapos ko lang po mag-aral, kaka-graduate ko lang po. Bale sa February ko po makukuha ang diploma ko.
Sa Angelicum, doon ako nag-aral pero nag-test din ako sa DepEd. So, tinulungan din nila ako. Sana kung maisingit, makapag-college ako, siguro kahit tatlong araw sa isang linggo, maisingit ko.
Gusto ko sana Business Management. Kahit saan po (mag-aral) basta gusto ko pong course, Business Management or Culinary po
B: Bakit gusto mong magsuot ng two-piece?
E: Siyempre off-cam, gusto ko pong mag-beach, e. Hindi ko pa na-try, e.
B: Ayaw ba ng mommy mo na magpa-sexy ka?
E: Hindi naman, ako po ang ayaw.
B: Dahil ba sa pagnanais mong magsuot ng two-piece kaya ka nagpapapayat ng husto?
E: Hindi naman po, dahil sa show na rin po. Pero sana (ngiti ni Empress) magawa kong magpapayat pa.
B: Okay na naman ang katawan mo, bakit kailangan mo pang magpapayat?
E: Tingin ko kasi, hindi pa ganu’n. Kaya diet pa po. Feeling ko mataba pa po ako. Kaya super diet at saka exercise.
B: May tina-target ka bang weight sa pagpapapayat?
E: Parang kay Kim Chiu, ganu’n. Hahahaha!
B: Bakit si Kim ang peg mo sa kapayatan?
E: Hindi po dahil sa friend ko siya. Sa TV po kasi mas mataba tingnan. Kaya ‘yung payat niya, tamang-tama lang dahil tataba ka pa naman sa TV. So, more pa.
B: Si Kim ba ang inspiration mo sa pagpapapayat?
E: Hindi naman, joke lang. Pero ‘yung tamang payat lang po.
B: Ano ang ginagawa mo para mag-lose pa ng weight?
E: Diet lang po, mga prutas, walang oil.
Puro gulay, chicken puro steamed. Minsan lang ako nagra-rice kapag gutom pero konti-konti lang po, no soft drinks. Nag-start ako nito lang po bago mag-taping (“Mundo Man Ay Magunaw”), mga January po.
Pero dati na rin po ako nagpapapayat. Tsaka nage-exercise rin.
B: Sa nalalapit na Valentine’s Day may plano ka na ba? May nagyaya na ba sa ‘yong mag-date?
E: Wala pa po, siguro work pa rin ang gagawin ko. Tingnan po natin kung ano ang mangyayari.
B: Hindi ba kayo lalabas ng kapartner mo sa “Mundo Man Ay Magunaw” na si Ejay Falcon sa Valentine’s Day?
E: Naku, wala po. Okey naman po kami. We’re friends po.
B: Ang balita nililigawan ka na ni Ejay, ‘di kaya binasted mo na siya kaya hindi ka na niya ini-invite?
E: Hindi naman po siya nanliligaw.
Gusto po ba niya akong ligawan? Hindi po siya nagpaalam sa mommy ko na liligawan niya ako. Nagpaalam lang siya na aalis kami, gigimik po with friends din po.
B: Type mo ba si Ejay na maging boyfriend?
E: Friends lang po muna. Hanggang du’n na lang po muna. Mahirap na. Hahahaha!
B: May crush ka ba ngayon na artista?
E: Wala po. Meron pero international e. Si Zack Efron. Wala, ang guwapo niya lang. Sana maging kami.
B: Kapansin-pansin ang labis na kagandahan mo ngayon. May mga nagtatanong kung may ipinabago ka raw sa mukha mo?
E: Ay, make up lang po ‘yan. Pinabago? Ay, wala po!
B: Sure ka ba?
E: Ay, opo! Walang pinabago diyan. All natural po. Siguro nanibago lang sila sa make-up ko, kasi medyo mature ‘yung shades.