Maga-abroad uli (2) | Bandera

Maga-abroad uli (2)

Joseph Greenfield - July 04, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Leonila, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Problema:
1.      Ayaw ko nang bumalik sa Saudi dahil nakaipon din naman ako ng medyo malaking halaga.  Kinakabahan ako dahil baka may masamang mangyari na sa akin kaya gusto ko nang lumipat ng bansa sa Asya. Meron akong pinsan na nagtatrabaho sa Bangkok, bagaman magulo rin doon,
2.    Tutulungan daw niya ako na makalipat sa Bangkok pero kailangang dumaan ako sa agency dahil bawal na ang direct-hiring ngayon.  At kapag nasa Bangkok na ako ay mage-establish lang ako ng residency at puwede nang lumipat sa ibang bansa na may sangay ang papasukan ko. Matutulungan ba ako ng pinsan ko?
Umaasa,
Leonila, ng
Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini  (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi matatapos ang buwan ito ay maoobliga kang mag-ayos ng papeles dahil sa pangungulit sa iyo ng pinsan mo. Kung saan, sa buwan ng Disyembre 2015, siguradong makakapunta ka na sa Thailand.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing tiyak ang magaganap, may isang produktibo at mabungang pangingibang-bansang itatala sa yong karanasan.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling palarin at mas mabilis na mapitas ang magandang kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na asul, puti, gray at silver. Sa nasabing mga kulay, kung lagi mong isusuot at gagamitin, unti-unti nang aaliwalas at gagaganda ang iyong kapalaran.
Graphology:
Maganda at maayos ang pagkakasulat ng iyong lagda, kung saan, tuluy-tuloy at mabilis mo itong natapos sa pamamagitan ng katamtaman at kaayusang mga letra. Ibig sabihin, dahil may “good-looking” signature ka, tunay ngang ngayon pa lang nasasagap na ng unconscious mong isipan ang positibong mangyayari sa iyong kapalaran sa susunod na mga taon at araw.

Luzviminda, ayon sa iyong kapalaran, sumunod ka lang ng sumunod sa ipinapagawa sa iyo ng pinsan mo. Sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, makalilipad ka patungong Bangkok, tulad ng iyong iniisip at pinapangarap, magiging immigrant ka roon at magtatagal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending