Kris vs P-Noy: Patalbugan sa pagiging ‘Negastar’

NOYNOY AT KRIS AQUINO

PAREHONG nasa headline ang matatabil ang dilang magkapatid na Kris Aquino ang P-Noy dahil sa mga kaechosan nila.

Si P-Noy ay napahiya nang magsalita ang abogadang si Atty. Claire Espina na siyang nag-represent kay Superstar Nora Aunor sa naging drug case nito noong 2005 sa US saying na hindi totoong na-convict si La Aunor na siyang inanunsiyo ni P-Noy – reason kung bakit inilaglag niya ito sa listahan ng mga bagong hihiranging National Artist.

Si Kris naman ang siyang naglagay sa alanganin kay Gov. Vilma Santos nang i-post nito sa Instagram ang card kung saan nakasulat ang ilang pagbati mula sa nasabing gobernadora with matching mali-maling grammar putting the politician in mockery from bashers. In short, nagkokontes ngayon ang magkapatid sa ka-cheapan at intriga at ang involved na subjects ay mga sikat na showbiz personalities.

Ano ba ang nangyayari sa magkapatid na ito – nasusuong sa madilim na daan? Pareho silang tinutuligsa ngayon pero nakataas pa rin ang mga noo nila na parang wala lang nangyayari. Ganoon ba pag makapangyarihan ka – dedma lang? Di ba’t malaking sampal ito sa kanila? Nakakahiya sila, di ba? Hindi nag-iingat. Kung hindi tactless, mga irresponsible.

Anyway, ganoon lang talaga ang buhay – weather-weather lang. After 2016 mas maraming exciting na mga kaganapan ang dapat nating pakaabangan sa pamilyang ito, iyon ay kung hindi nila mga kaalyado ang mauupo sa panguluhan. Patay sila pag nakasingit ang kalaban. Mas masahol pa sa nangyari sa Marcoses ang tiyak na mararanasan nila. Believe me.

Read more...