Maga-abroad uli

Sulat mula kay Leonila, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Ayaw ko nang bumalik sa Saudi, bagaman nakaipon din naman ako nang medyo malaking halaga.  Kinakabahan ako dahil baka may masamang mangyari na sa akin kaya gusto ko nang lumipat ng bansa sa Asya.
Meron akong pinsan na nagtatrabaho sa Bangkok, bagaman magulo rin dito.  Tutulungan daw niya ako ng makalipat sa Bangkok pero kailangang dumaan ako sa agency dahil bawal na ang direct hiring ngayon.  At kapag nasa Bangkok na ako ay mage-establish lang ako ng residency at puwede nang lumipat sa ibang bansa na may sangay ang papasukan ko.
Matutulungan ba ako ng pinsan ko?
Umaasa,
Leonila, ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malawak ang travel line mo sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.) kaya maraming bansa pa ang mararating mo. Ibig sabihin sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, Oo nga’t nakapag-Middle East ka na, tunay ngang marami pang mga pangingibang bansa ang iyong mararanasan.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Seven of Diamonds at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang babae ang tutulong sa iyo upang ikaw ay makapag-abroad muli. Kung saan, sa buwan ng Disyembre sa susunod na taon, may pangingibang bansa na itatala sa iyong karanasan.
Itutuloy….

Read more...