“LADIES and gentlemen, allow me introduce myself to you as the only senator who has been diagnosed with lung cancer,” ang pambungad na sabi ni Senador Miriam Santiago sa ginawang press conference kahapon sa Senado.
Ayon sa 69-anyos na senador, stage 4 na ang kanyang kanser na kanilang nadiskubre noong isang linggo. Gayunman, hindi umano ito kumakalat at kampante siyang gagaling pa rin sa karamdaman.
Pagtatapat ng senador, nahihirapan siyang huminga dahil sa kanyang sakit.
Sakabila nito, nakuha pa ng senador na magbiro sa harap ng mga reporter.
“I don’t know what the reactions of my enemies are. Maybe they will be happy because on one hand I might die and then they could get rid of me. But on the other hand I might survive and then I will get rid of them,” ayon pa kay Santiago.
Nang tanungin naman si Santiago kung ano ang naging reaksyon niya nang malaman na siya ay may sakit, sinabi niya na “I was very excited. I’m not kidding. I said: Yes! I got cancer!”
Aniya, magpapa-gamot siya sa pamama-gitan ng pag-inom ng “magic tablet” isang piraso kada isang araw. Katumbas anya ito ng chemotherapy, pero wala umano itong side effect.
“So I hope to be able to see you in six weeks, fully-cured of cancer,” aniya.
Noong isang buwan, nagbitiw si Santiago bilang judge ng International Criminal Court.
Tatakbo pa rin
Samantala, sinabi ni Santiago na hindi pa rin niya isinasantabi ang posibilidad na tumakbo sa pagkapangulo sa 2016.
“‘Paggaling ko next month…I’m going to announce my presidential candidacy,” aniya.
Lacson: Ipagdarasal
ko siya
Ayon naman sa dating senador Panfilo Lacson, na unang nagbigay ng reaksyon sa rebelasyon ni Santiago, na pinapanalangin niya ang paggaling nito.
“In spite of our recent personal and political differences, I wish Senator Santiago well. I will henceforth pray for her recovery. I say it in all sincerity,’ sabi ni Lacson.
Kilalang magkaaway sina Lacson at Santiago na kung saan nagpalitan pa sila ng mga akusasyon sa media.
“I am setting aside for good whatever animosities have been brought about by our exchange of harsh words,” dagdag pa ni Lacson.
Miriam may stage 4 cancer; palaban pa rin
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...