Richard, Dawn pasok sa pelikula nina Kathryn at Daniel


Tiyak na matutuwa ang mga fans nina Richard Gomez at Dawn Zulueta dahil muli na naman silang magtatambal sa big screen.
Hindi lang namin sure kung mahaba ang role na gagampanan ng dalawa sa latest movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na “She’s Dating The Gangster.” Kumalat kahapon ang promotional poster ng pelikula sa social media at nandu’n nga ang mga pangalan nina Goma at Dawn.

Bagama’t nakalagay sa poster na special “special participation” lang ang tinaguriang eternal loveteam ng local showbiz, umaasa ang kanilang supporters na maganda ang kanilang magiging papel sa pelikula nina DJ at Kath.

( bandera.ph file photo )

Read more...