James babu na sa PBA; inaming may 1 pang anak sa ex-GF


Inamin ni James Yap na pinaplano na niyang tapusin ang anim na taon niyang karera sa pagba-basketball, at magsilbing coach na lang sa mga estudyante sa high school.

“Gusto kong mag-coach sa high school para sa mga bata. Para ma-share ko kung ano ‘yong experience ko. Iba pa ‘yong feeling ‘pag nakatulong ka sa mga bata tapos makikita mo na lang silang nasa PBA,” pahayag ni James sa interview ng Tapatan Ni Tunying na mapapanood ngayong Huwebes.

Isa rin ba sa dahilan sa plano niyang pagreretiro ang paglagay nila sa tahimik ng Italyanang nobya na si Michela Cazola? “Ang pagpapakasal kasi, nandiyan lang ‘yan.

Hindi naman nawawala ‘yan. Hinay-hinay lang. Darating at darating ‘yong oras na bigla lang maiisip mo, ‘Okay, sige,’” ani James.

Sa unang pagkakataon ay ikukwento rin niya ang naging relasyon niya sa isang babae na nakarelasyon din niya noon kung saan nagkaroon din siya ng anak, “Actually, gusto ko lang magpasalamat sa ex-GF ko na  kung ano man pinagdaanan ko, hindi siya nakisawsaw, hindi sya nakialam o siniraan ako.”

Panoorin ang buong interview ni James sa Tapatan ni Tunying ngayong hapon, 4 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...