Hamon ng mga Noranian kay PNoy: Mag-sorry ka kay Ate Guy, now na!


PUTOK pa rin sa social media or shall we say sa buong bansa ang issue tungkol sa di-pagkahirang sa mahal nating Superstar na si Nora Aunor bilang National Artist.

Napakaraming mga Pinoy ang nag-aaklas dala ng desisyon ni Pangulong Noynoy Aquino na hindi pirmahan ang rekomendasyon ng NCCA at CCP na gawing National Artist ang mahal nating idolo.

After many days of speculations, nagsalita na finally si P-Noy tungkol sa sadyang di-pagsama kay Mama Guy sa hihiranging mga bagong National Artist. Aniya, kaya niya hindi isinama si Nora Aunor sa listahan dahil sa conviction daw nito sa drug case na kinasangkutan nito sa States a few years ago.

Kumbaga, pag hinirang daw niya as National Artist si Mama Guy, ano na lang ang sasabihin ng kabilang kampo sa kaniya – paano raw magiging role model ng bansa ang isang na-convict sa drugs?

The other day I got a call from Norie Sayo, Ms. Aunor’s former manager and mentor who was privy to that drug issue. Bwisit na bwisit si Norie sa statement ni P-Noy. Mali raw ang impormasyong nakarating sa pangulo regarding that case.

“Nu’ng pumunta si Guy sa Amerika via L.A. ay nagkaproblema nga siya sa immigration. Someone told me about it and I immediately called a lawyer to represent her.

I got the services of Atty. Claire Espina and she immediately assisted Nora. I even asked Atty. Claire na kung maaari ay doon na muna patulugin si Guy sa bahay nila para hindi sila mahirapang mag-communicate the next day as they are processing the legal procedure of the case.

“Nasa San Francisco kasi ako that time. The truth is, Nora never even stepped a second sa prison. She was never convicted sa kasong ‘yun,” ang paliwanag ni Norie na nanggagalaiti sa pagtatanggol kay Nora Aunor.

Sa aking FB account ay may nabasa akong item regarding the statement of Nora’s former lawyer, Atty. Claire Espina, at ito ang kanyang pahayag.

“Nora Aunor was never convicted of a crime, let alone a crime involving drugs here in Los Angeles. I was the attorney who represented her.”

Meanwhile, broadcast journalist Ces Oreña-Drilon in her Twitter post, said Espina told her in a text message that, “There was never a conviction which means she is not a convicted person.”

Espina added that the actress was arrested for possession of paraphernalia and methamphetamine in 2005 in Los Angeles and was entered into a diversion program and successfully completed it.

According to her, the case was dismissed in 2007. The lawyer deplored about the “misinformation” of the issue in the Philippines.

Isang malaking pagkakamali ito on the part of the president na nagmarunong sa issue. Ha-hahahaha! Lalong nagalit sa kaniya ang taumbayan. Some say dapat mag-research-research din naman daw ang pangulo pag may time.

“Ang tagal-tagal niyang nagbigay ng statement, ang tagal nating naghintay ng explanation niya kung bakit hindi niya pinirmahan ang rekomendasyon ni Nora Aunor sa National Artist – award, tapos sablay naman.

At sa pagsasalita niya, parang kay-linis-linis niya at walang bahid dungis. May mga kiyeme pa siyang paano raw magiging role model si Nora gayong convicted daw ito sa isang drug case.

“Nakalimutan yata niyang kung merong hindi dapat tularan sa showbiz, ‘yan ay walang iba kundi ang ang kapatid niyang si Kris Aquino na lagi na lang pinoproblema ang lovelife, isama pa ang pag-amin niya noon na nagkaroon siya ng STD.

Wala yata sa katinuan ang pangulong ito. Tigilan na kasi muna niya ang paglalaro ng Dota, magtrabaho muna siya nang maayos,” ang galit na galit na sabi ng isang Noranian.

“Baka Vilmanian ang lolo niyo kasi di ba Vilmanian din ang favorite sister niyang si Kris na nagagalit pag inaayawan ng mga lalaki?” dagdag ng isa pa.

Natawa naman kami sa pagkakasabi niyang baka Vilmanian si P-Noy. Hindi naman siguro siya Vilmanian, Kris-ian iyan at Bimby-nian pa siguro. Or puwede rin siyang Dingdong-nian (Dingdong Dantes) or Ogie-nian (Ogie Alcasid). Ha-hahaha!

“P-Noy must apologize to Nora Aunor and to the Filipino people. Kung gusto niyang maibalik ng taumbayan ang tiwala sa kaniya. Dapat niyang i-reverse ang nauna niyang desisyon para makabawi siya.

He must be man enough to own up to his pagkakamali. Kung nakalusot siya sa malalaking issues like PDAF at DAP, baka dito siya mapuwing.

“Kita niyo naman ang pagsusuot ni Nora Aunor ng t-shirt na nagti-trending ngayon kung saan nakasulat ang mga katagang ‘Proud to be Filipino, ashamed of my government’.

Napakalakas ng dating ng statement na iyon, ha! . And everyone agrees. Kaya delikado rito si P-Noy.  “Ang mga Aquino talaga, oo. Actually, wala na yata silang nagawang mabuti sa bansang ito kung tutuusin.

Nagtatago sila sa imahe ng pagkarelihiyoso pero they don’t walk their talk. Di ba’t walang nagawa si P-Noy nang masangkot ang asawa ng panganay nilang si Balsy sa anomalya ng LRT?

Wala rin silang magawa sa left and right na issues ni Kris about the men in her life. What about P-Noy’s lovelife na napakamisteryoso rin, di ba?

Yung pagbengga niya sa mga di nila kaalyado at pagpapakulong sa mga ito? Is that the kind of government na dapat natin pagkatiwalaan? Kaya tama ang nakasulat sa t-shirt ni Nora, we are truly ashamed of this government?” mahabang pahayag ng aming kausap.

Ayoko na sanang mag-comment pero hindi na ako makatiis – sige, isa lang ang reaksiyon ko sa lahat ng ito – I AGREE!!!

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...