Games Today (Cuneta Astrodome) 2 p.m. Generika-Army vs Petron (women’s) 4 p.m. PLDT-Air Force vs Cignal (men’s) 6 p.m. Systema vs Via Mare (men’s)
Team Standings: (Women’s) Petron (3-0); RC Cola-Air Force (4-2); Generika-Army (3-2); AirAsia (3-2); PLDT Home TVolution (2-4); Cagayan Valley (2-4); Cignal (1-4) (Men’s) PLDT-Air Force (5-0); Cignal HD (3-1); Systema (2-2); IEM (1-4); Via Mare (0-4)
SINO sa pagitan ng Petron Lady Blaze Spikers at Generika-Army Lady Troopers ang pinalamig ng dalawang linggong pamamahinga sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament?
Ang kasagutan ay malalaman ngayon sa bakbakan ng dalawang bigating koponan sa women’s division alas-2 ng hapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Wala pang talo ang Petron sa tatlong laro at kailangan nilang mapanatili ang magandang porma para makalapit sa pagsungkit ng awtomatikong puwesto sa Finals.
May 3-2 karta ang Lady Troopers pero naipanalo nila ang huling tatlong laro matapos bumalik ang mahusay na setter na si Tina Salak.
Ang Lady Troopers din ang siyang nagdomina sa naunang dalawang conference ng ligang inorganisa ng Sports Score at handog ng PLDT Home DSL.
Bukod sa mas malawak na karanasan, ang paglatag ng matibay na depensa para mapigil ang pana-nalasa ni 6’2” Dindin Santiago ang tiyak na gagawin din ng tropa ni Generika coach Rico de Guzman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
