Vice nabiktima ng producer sa US

Mga Pinoy nagreklamo, niloko raw sila

NAGPADALA ng mensahe sa amin sa Facebook ang kaklase namin nu’ng high school na si Maria Corazon Tungpalan na kasalukuyang nasa New Jersey, USA.

Isa siya sa bumili ng ticket para sa show ni Vice Ganda nu’ng nakaraang Disyembre na nagkakahalaga ng $204.

Ayon sa kanya, isang araw bago ang show ay bigla raw itong kinansela ng producer dahil ayaw daw lumipad ng TV host-comedian-actor patungong Amerika.

Ayon sa kaklase namin na unang nagpadala ng mensahe nu’ng Enero 7, “Lam mo may news sana ko sau about Vice Ganda’s concert dito na hindi naman natuloy kasi di daw sumakay si vice ng airplane…that is according to the producers here.

“Malaki na raw ulo ni Vice pero ewan lang natin if siya talaga ang at fault. anyway, at first yaw nila ibalik payments namin sa ticket kasi di pa daw sigurado if cancelled na show pero i insisted talaga na ibalik or else…next week daw nila isesend cheke ko so we’ll see. dito kasi madami din daw manloloko na producers ng artists and vice versa.


“Next week (Enero 14) daw ibabalik pero ‘wag ko daw sabihin sa ibang mga bumili na ibabalik nila money ko. kasi di pa daw binabalik ng ABS down payment ni Vice. ang nakakatawa, they called us the day before the concert na di sumipot si vice. 1 day before huh. eh 2-days job pa ang ni-refuse ko for Vice’s Dec 17 concert, tapos ayaw pa nilang ibalik ang bayad kasi postponed lang naman daw at hindi cancelled.

“Ganoon daw talaga ang law pag napo-postpone shows, sabi ko naman, sino ba si Vice Ganda para paikutin ang schedules ko sa buhay? sila nag-move ng date but dapat we have the option to decide if we still want to watch vice on the new date, and sabi ko padalhan ako ng law about it.

“Basta nakakairita kasi lawyer pa na owner ng production ang tumawag sa husband ko akala siguro tanga ako sa laws, eh lumaki nga ako sa mga abogado sa pamilya.

Anyway, nakakadala kasi na para bang next time kahit sino pa ang artist eh parang wag na lang! naku, mamamatay talaga promotions pag ganyan ang ginagawa nila,” detalyadong kuwento sa amin ng aming kaibigan.

Kaagad namin kinuha ang panig ng kampo ni Vice tungkol dito, ang paliwanag sa amin, “Kaya hindi tumuloy si Vice sa show kasi hindi tumupad ‘yung Ritz (producer) sa kontrata, walang kontratang pirmahan, at ‘yung downpayment daw, ibinalik na last year pa at ikinomit pa raw si Vice sa Abu Dabhi na walang alam si Vice kaya naloloka sila, palpak ‘yung promoter sa US.”

Ipinaliwanag namin ito sa kaklase namin na hanggang ngayon ay galit na galit dahil naloko nga raw sila. Nu’ng Miyerkules ay muling tinawagan ang nasabing producer pero hindi na raw ito sumasagot.

“I had heated texts with the other producer pero makakapal yata talaga.

The following day, their lawyer kuno sent me a letter that they have a pending case against a certain Jimmy Cruz na producer din daw sa Pinas. Nakakatawa nga ang liit-liit na pera pero naku, ayoko namang magpaloko sa mga manloloko.

“Namimigay nga ako ng sobra-sobra pero sa mga kagaya nila, no way!

“My sister Marieson who is a lawyer will try to reply their letter. sabi nga niya, this is a good case for a class suit,” kuwento pa nito sa amin.

Kaya namin i-nilabas ang kuwentong ito para ipaalam sa mga performers natin dito na tumatanggap ng shows sa ibang bansa na siguraduhin muna kung anong klaseng producers/promoters ang kausap nila dahil marami tayong kababayang Pinoy ang sabik makapanood ng Pinoy artists na niloloko lang.

At ang masama, pinalalabas ng mga US producer na kasalanan ng local artists kung bakit hindi natuloy ang shows at pinalalabas na malaki na nga ang ulo ng mga ito.

Read more...