Rekord ng beterano

AKO po si Anita Go. Pito po kaming magkakapatid. Ang sabi po ng mother ko ay isang war veteran ang tatay ko dahil dati siyang nurse noong World War II. Gusto po sana naming malaman kung paano may makukuha kami na benipisyo bilang anak ng beterano o kaya ang mother. Ano po ang kailangang requirement na dapat naming i-produce.

REPLY: Mahal na Bb. Go,
Madali lamang po ang proseso ng pag-claim ng benepisyo ng mga benepisyaryo ng beterano mula sa PVAO kung kayo ay may opisyal na rekord na magpapatunay ng serbisyo ng inyong ama noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Magtungo po lamang kayo sa Non-Current Records Division-Office of the Adjutant General (NRD-OTAG), General Headquarters, Armed Forces of the Philippines sa loob ng Camp Gen. Emilio Aguinaldo, Quezon City upang mag-request ng military service record (MSR) ng inyong ama.

Ang NRD-OTAG po at hindi ang PVAO ang opisyal na tagapagtago ng rekord ng lahat ng mga gerilya at sundalo noong World War II hanggang sa kasalukuyan.

Kailangan lamang po ay alam ninyo ang buong pangalan ng beterano, petsa at lugar ng kanyang kapanganakan, army serial number (kung meron man), yunit na inaniban noong World War II bilang sundalo o gerilya, at pangalan benepisyaryo na kanyang inilista sa kanyang record.

Sakali pong may makuha kayong MSR sa NRD-OTAG ay maaari na po kayong magtungo sa aming tanggapan upang mag-apply ng nararapat na benepisyo.

Kung buhay pa po ang asawa ng beterano at siya ay hindi pa nag-aasawang muli, maaari siyang mag-apply ng Pension for the Surviving Spouse. Ito po ay nagkakahalaga ng P5,000 kada buwan at ipagkakaloob habambuhay sa asawa ng beterano.

Para naman po sa anak o isang direct descendant ng beterano, maaari pong mag-apply ng Educational Benefit mula sa tanggapan.

Para sa kumpletong impormasyon ukol sa mga benepisyo, serbisyo, dokumentong kailangan at proseso ng aming ahensiya, maaari ninyong bisitahin ang aming Official Website, ang www.pvao.mil.ph, o kaya naman ay tumawag sa aming Public Information Office sa telepono bilang (02) 9124728.

Maraming salamat po sa inyo, at sa AKSYON Line – Inquirer Bandera, sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong makapaglingkod.

Lubos na gumagalang,
Maria Juanita S. Fajardo-Rivera
Public Information Officer
Philippine Veterans Affairs Office

The Philippine Charity Sweepstakes Office or PCSO, the government’s charity agency, is preparing to “go home” to its location at San Marcelino Street in Manila after two decades.
The agency acquired the San Marcelino property in the 1960s, and in 1998 moved to a bigger building at the Quezon Institute complex in Quezon City.

According to PCSO Vice-Chairman and General Manager Attorney Jose Ferdinand M. Rojas II, PCSO is developing their1.19 hectare property at San Marcelino to accommodate their personnel and beneficiaries.

The PCSO’s construction project at San Marcelino will be opened to public bidding in July, beginning with the design phase.
The entire project will cover around 36,000 square meters of floor area over three interconnected buildings and is expected to be completed in 2017 or 2018.

At present, PCSO’s corporate offices are located at Sun Plaza, Mandaluyong City, and logistics at San Marcelino.

Office of the General Manager
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.

Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust
ream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...