Si Aljur ang matinding karma ni Robin sa pagiging babaero

HINDI yata matanggap ni kafatid na Robin Padilla ang break-up ng anak niyang si Kylie at Aljur Abrenica kaya kung anu-ano ang namumutawi sa kaniyang bibig against our baby Aljur.

Sinabihan daw niya ang anak niyang maghanap ng barakong lalaki, sinabihan din daw nito si Aljur ng bakla. That’s how Robin is anyway kaya what do you expect? Kung hindi mo lang siya lubos na kakilala baka isipin mong he is God’s gift to mankind.

I don’t understand why Robin is reacting like a child sa isyung ito ng kaniyang anak. Bakit hindi niya pabayaang maranasan din ni Kylie ang ma-in love at ma-fall out of love and experience a little bit of heartache para mag-grow ito as a stronger girl? Normal na nararanasan ng bawat isa sa atin ang umibig at mahiwalay sa ating partners. Natural na may kaakibat talagang sakit ang isang break-up, di ba?

At hindi na bago ‘yan kay Robin dahil he has done this over and over again when he was much younger. Ilang babae ba ang pinaiyak ni Robin nu’ng kabataan niya?

Meron din bang kamag-anak ang mga babaeng iyon na nagsabing “bakla” siya because hindi niya napanindigan ang mga naging relasyon niya with these women? Yung ibang babae nga ay inanakan pa niya at halos magwala that time pero dinedma din niya.

Anong gusto niyang mangyari – na kahit ayaw na ni Aljur sa anak niya halimbawa ay kailangang pilitin nitong huwag makipag-break? Maraming dahilan kung bakit nagkakahiwalay ang magsyota – some reasons are attributed to the guys and vice versa, it’s a natural phenomenon na kailangang maranasan ng mga bata during their growing up years.

At bakit kailangang manghimasok si Robin na akala mo’y sakdal-linis din sa larangan ng pag-ibig? Ang mga comments ni Robin ay uncalled for – nakakalalaki rin on the part of Aljur pero hindi na lang siya pinapatulan ng ating anak.

Hindi na sana nakikialam si Robin sa break-up nina Kylie and Aljur – hindi siya dapat nagbibitaw ng ganoong mga kataga.
Kasi kung ibalik sa kaniya iyon, gugustuhin ba niya?

Eh, kung sabihin din ng mga kamag-anak ng mga babaeng iniwanan niya before na bakla rin siya dahil sinaktan niya ang mga puso ng mga ito, how would he take it? Masakit din kasi minsan magsalita si Binoe eh, hindi rin nag-iisip minsan.

Whatever transpired sa relasyon nina Kylie and Aljur, hindi na dapat nagsusumbong si Kylie sa kaniyang ama na naka-box sa isang makalumang tradisyon na mas malaley pa actually kung patinikan din lang sa babae ang pag-uusapan.

“It’s payback time kay Robin. Iyon ang matagal na niyang kinatatakutan – ang karma niya dahil sa ilang babae ang pinaiyak niya during his younger years.

Pasalamat nga siya dapat kay Aljur dahil hindi nito binaboy ang anak niya. Yung sa kanila lang naman ay isang karaniwang break-up na normal na nangyayari sa magdyowa.

Nakakabahala lang itong mga pinagsasabi ni Robin kay Aljur. Not because we are close to the guy kaya kami nagri-react this way – huwag na sanang gumaganyan si Binoe.

Hayaan na lang niyang maranasan din ng anak niya ang mumunting challenges na ito sa buhay para maging mas mature siya sa pag-deal sa mga susunod niyang lovelife, di ba? Painumin niyo nga ng kape si Binoe para nerbiyosin naman. Kaloka!

( Photo credit to aljur abrenica official fanpage )

Read more...