Nora di ginawang National Artist dahil convicted sa drugs – PNoy

DRUGS ang dahilan kung bakit inilaglag si Nora Aunor mula sa listahan ng mga National Artist, ayon mismo kay Pangulong Aquino.

“… na-convict po siya sa drugs. Na-convict at naparusahan at ang tanong ngayon dito,” giit ni Aquino sa isang ambush interview sa kanya matapos dumalo sa ika-67 anibersaryo ng Philippine Air Force sa Clark Air Base sa Pampanga.

Anya, pag ginawang National Artist si Aunor maaaring maging iba ang mensaheng dumating sa taumbayan.”‘Pag ginawa ba nating National Artist may mensahe ba akong maliwanag na sinasabi sa sambayanan?” wika pa ni Aquino.

“Ayokong magkaroon ng mensahe na kung minsan pwede iyong illegal na droga or acceptable. Iyong dapat iyong mensahe it is always bad and illegal drugs do nobody any good; and I cannot emphasize that message enough, ano, and at the same time parang raise Ms. Nora Aunor to be a …National Artist,” giit pa ng pangulo.

Read more...