Lovi handa nang matikman ang pamatay na sampal ni Maria


Handa na si Lovi Poe sa napakalakas na sampal ni Maricel Soriano. Hindi raw tatanggi o mag-iinarte si Lovi kung kailanganin siyang sampalin ng Diamond Star sa GMA Telebabad series nilang Ang Dalawang Mrs. Real kasama si Dingdong Dantes bilang asawa nila.

Sa itinatakbo ng kuwento ng soap opera, malapit nang magtagpo ang dalawang Mrs. Real na ginagampanan nga nina Lovi at Maricel, at inaasahan nga ng manonood na magkakaroon sila ng “madugong” komprontasyon.

Sey ni Lovi sa tanong kung handa na siyang masampal ni Maria, “May mga nagtatanong nga sa akin ng ganu’n. But yes, I’ll wait kung ano ang mangyayari.

“Pero kasi ang character ko rito, mas warfreak ako. I don’t know kung paano ang magiging atake ni Ms. Maricel kasi, she’s very sophisticated. I don’t know what kind of attack she’s gonna do,” ani Lovi.

Pero kapag sinampal siya ni Maricel, gusto ba niyang gumanti sa eksena? “Well, if it’s needed. Depende yun sa mga writers and director. But I’m excited na kasi magkakabukuhan na.

Parang ang sama ng mga nangyayari sa dalawang babae. I think this will show other people how bad it is to be in this kind of situation to avoid it.”

Kagabi, natapos na ang kasal ay tumakas nga si Anthony (Dingdong) sa reception dahil dumating si Henry (Robert Arevalo). Kinausap naman ni Sandy (Alessandra de Rossi) si Millet (Maricel) pero hindi pa rin nito nagawang ibuking ang lihim ni Anthony.

Ngayong gabi, iiwas si Anthony sa honeymoon nila ni Shiela at kakausapin si Millet para ulitin ang vows nito nu’ng kasal nila. Samantala, lasing si Sandy at aamin kay Anthony na mahal pa rin niya ang asawa ng kaibigan. Hahalikan ni Sandy si Anthony at makikita sila ni Shiela!

( bandera.ph file photo )

Read more...