Ciara talunan, bad trip sa Celebrity Dance Battle? | Bandera

Ciara talunan, bad trip sa Celebrity Dance Battle?

Jobert Sucaldito - July 01, 2014 - 03:00 AM


ANG dami na nating natunghayang mga contest sa TV na kakuwestiyon-kuwestiyon ang mga resulta. Be it sa singing, dancing, acting – basta uso pa rin talaga ang lutuan. Iyan ang napapansin namin.

We don’t know why TV networks allow that. Or baka ganoon talaga ang kanilang choices – lihis sa gusto ng mga tao. Kung gayon, why do they have to televise it pa kung sila-sila lang naman pala ang nasusunod.

I mean, hindi naman pala ang napupusuan ng mga tao ang napipili nila? Are there some criteria na sila lang ang nakakaalam or what? What other factors ang kinu-consider nila to choose a winner?

Tulad nitong sa Celebrity Dance Battle ng TV5 recently. Marami ang nag-text sa akin why this Gary David na basketball player sa PBA (Meralco Bolts)  ang nanalo over Ciara Sotto?

Naloka raw ang viewers kung bakit siya ang nanalo at tinalo ang napakahusay na si Ciara na kulang na lang ay lumunok ng apoy just to show her excellence in dancing.

“Kahit paano ay nakakasayaw naman si Gary, okay naman siya kaya lang not enough to win over Ciara. Sobrang layo naman! Nakita niyo naman siguro kung gaano kahusay si Ciara – kahit sa anong sayaw ay panalo si Ciara.

Pero why did Gary win over her? Dahil ba ang kinabibilangan niyang basketball team is owned by Manny Pangilinan na may-ari rin ng TV5?  “Napulitika ba ito sa loob? Wala na sanang ganoon.

Kasi nga, dance contest ito and when you say dance contest, dapat ang pinakamagaling sumayaw ang manalo, hindi yung kung sino ang type panalunin ng production or management.

“Kaya minsan nakakatamad na ang mga talent shows at pakontes na ito sa TV eh, nakakawalang-gana dahil grabe ang pulitikahan.

Kaya kung ako kay Ciara, hindi na ako sasali sa anumang imbitasyon nila dahil masasayang lang ang oras ko,” sabi ng isang buwisit na buwisit na viewer.

Hindi ko man napanood ang nasabing dance contest ng TV5, pero na-imagine ko na kung paano nadismaya ang fans ni Ciara sa resulta. In fairness kay Ciara, she just kept mum about it.

I’m sure masama rin ang loob niya dahil I know how she works hard in every work that she does – lalo na sa ganitong pagkakataon. And when I asked around, lahat sila are one in saying na malayong mas magaling si Ciara compared to Gary sa dance contest na iyon.

“Nakakasayaw naman talaga si Gary pero hindi talaga winnable. Kaya we just thought na bago pa man ang results ay done deal na ito for Gary. Baka they want to build up Gary kaya ginamit nila ang pagkakataong ito para mapansin siya.

Iyon ang basa namin,” sabi naman ng isang non-showbiz friend nating nasa taping mismo ng show last week. Well, we have to hear the side of the production kung ano ba talaga ang nangyari sa kanilang pakontes na iyon.

Try din nating kausapin si Ciara para makuha ang kanyang panig – if she feels na patas ba ang naging desisyon ng mga hurado sa sinalihan niyang contest.

We’re not privy kasi to the turn of events kasi we’re not in any way connected naman to this dance show. May mga nag-react lang na imbyerna sa resulta. Wait lang ha, I’m just dialing their numbers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to ciara sotto official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending