Sulat mula kay Charbelle ng Barangay Balatacan, Tangub City
Dear Sir Greenfield,
Naubos ang lahat ng kinita ko sa pagpapakatulong sa abroad nang magkasakit ng malubha ang tatay ko. Kaya ngayon ay kinontak ko sa Internet ang aking dating amo at gusto kong bumalik sa kanya. Pumayag naman siya pero kailangan ko pa ring dumaan sa agency dahil bawal na ang direct hiring sa DH. Sa agency naman ako nagkaroon ng problema. Parang humihingi ng lagay. Wala naman akong ibibigay dahil isang kahig-isang tuka na ako dahil napakamahal ng maintenance medicine ng tatay ko. Makapaga-abroad pa kaya ako? Kailan ba ako makapag-aasawa? Parang nakalimutan ko na ang pag-ibig dahil ako lang ang inaasahan sa pamilya.
Umaasa,
Charbelle ng Barangay Balatacan, Tangub City
Abroad at lovelife
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...