Abroad at lovelife | Bandera

Abroad at lovelife

Joseph Greenfield - July 01, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Charbelle ng Barangay Balatacan, Tangub City
Dear Sir Greenfield,
Naubos ang lahat ng kinita ko sa pagpapakatulong sa abroad nang magkasakit ng malubha ang tatay ko.  Kaya ngayon ay kinontak ko sa Internet ang aking dating amo at gusto kong bumalik sa kanya.  Pumayag naman siya pero kailangan ko pa ring dumaan sa agency dahil bawal na ang direct hiring sa DH.  Sa agency naman ako nagkaroon ng problema. Parang humihingi ng lagay.  Wala naman akong ibibigay dahil isang kahig-isang tuka na ako dahil napakamahal ng maintenance medicine ng tatay ko.  Makapaga-abroad pa kaya ako?  Kailan ba ako makapag-aasawa? Parang nakalimutan ko na ang pag-ibig dahil ako lang ang inaasahan sa pamilya.
Umaasa,
Charbelle ng Barangay Balatacan, Tangub City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May guhit pa naman ng pag-aasawa (Illustration 1, Arrow 1) sa iyong palad, bagaman sinasabing nasa bandang huli ito.  Pero, di mapapasubaliang makapal at malinaw ang nasabing “guhit ng pag-aasawa”.
Ibig sabihin kahit medyo may edad ka na, makapag-aasawa ka pa rin at magkakaroon ng  maunlad at masayang pamilya.
Cartomancy:
    Queen of Hearts, Five of Hearts at King of Clubs ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon 2017, isang lalaking mabait at responsible sa buhay ang iyong makikilala at simula na ito ng masaya at maligayang suyuan.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending