HOROSCOPE, JULY 01, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Ipagpatuloy ang pagiging buo ang loob, upang mas medaling maabot ang  tagumpay. Sa pag-ibig ituloy ang walang maliw na pagmamahal sa isang Libra. Sa pinansyal, wag titigil hangga’t hindi yumayaman. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 28, 37, 44, at 49. Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Maraming gugulo sa iyong isipan, upang mas medaling mapawi ang problema, si Lord at ang sarili mo lang ang dapat pagkatiwalaan. Mapalad ang 3, 9, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Om.” Blue at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Ituloy ang ugaling pagtitipid, upang mas lalo mo pang mapalago ang inyong kabuhayan. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan ang kasuyong Virgo, dahil pinagpapasensiyahan ka rin naman niya. Mapalad ang 8, 17, 24, 30, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Beige at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Wag kainipan ang pagyaman, kusang darating iyan sa edad mong 41 o kaya’y sa edad mong 50 pataas. Sa pag-ibig, hindi dapat apurahin ang kasuyo, darating ang panahong bibigay din siya ng kusa sa lahat ng gusto mo. Mapalad ang 5, 14, 23, 27, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely!” Lilac at white  ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kahit mahina ang iyong loob alam mo bang marami ang naniniwala sayong kakayahan. Ngayon na ang panahon para ipakita ang iyong talento. Mas madaling susuwertehin sa pinansyal at pag-ibig, kung magsusuot lagi ng kulay na green. Mapalad ang 1, 7, 20, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Om.” Bukod sa green buenas ang yellow.
Leo – (July 23 – August 22)—Bagamat likas sayo ang pagiging ma-arte, kailangang magamit ito sa pagkaka-perahan. Sa pag-ibig, dahil sa taglay mong ka-artehan may babala ng immoral na relasyon. Supilin ang matinding libido upang wag mapahamak. Mapalad ang 1, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Om.”  Orange at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Mas mangingibabaw sa iyo ang pagiging mukhang salapi, kailangang maunawaan ito ng iyong kasuyo upang hindi naman siya magtampo. Ipaliwanag sa kanyang kaya ka nagpapayaman, ay para din sa inyong future. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 32, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Karin-Japa-Om.” Black at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ang nararamdaman mo sa iyong ka-Facebook ay totoo. Gumawa ng paraan kung ayaw mong maunahan ng iba. Sa pinansyal, hindi ka liligaya kung lagi mong itinatago at ipinagdadamot ang iyong pera. Mapalad ang 6, 5, 15, 24, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Pink at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magsasawalang kibo kana lang. Kung ibubulalas mo lang ang tunay mong nadarama mas magiging maligaya ka. Sa pinansyal, kung magpapakatotoo mas madali kang yayaman. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana.” Lilac at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Maraming sopresa ang buhay. Pagkatapos ng kalungkutan, ligaya naman ang kasunod, at kahit nasimot ang salapi, sa darating na mga araw maraming biyaya ang kusa ng darating. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 34, at 41. Silver at red ang buenas.
 Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag hayaan mawala ang minamahal dahil sa pagiging abala sa trabaho. Maglaan ng oras para sa kasuyo. Sa pinansyal, aahin ang maraming salapi kung masisira naman ang inyong relasyon. Mapalad ang 4, 10, 16, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Darshana-Jehana-Charintana.” Lilac at yellow ang  buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung may yumayaya sa iyo sa isang social gathering sumama ka. Panahon na upang ikaw ay sumikat at  makilala sa inyong lugar. Ang mga Aquarius ay itinakda ng tadhana hindi sa bahay lang kundi sa mundo ng politika. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Ba-Banam-Ke-Balam.” Beige at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Masyadong mataas ang iyong ambisyon. Hindi masama basta wag sumuko sa anumang hamon ng tadhana. Darating ang araw isa-isa ng matutupad ang iyong mga pangarap.  Sa pag-ibig ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer.  Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at gold  ang buenas.

Read more...