Bagong putahe


Napakaabala ng linggong ito dahil sa dami ng mga kaganapan sa larangan ng pagkain. Isa rito ang paglulunsad ng “Country Cooking: Philippine Regional Cuisines,” isang koleksyon ng mga sanaysay na sinulat at nilipon ng mahigit sa 20 taon ng iginagalang at hinahangaang food writer na si Michaela Fénix.

Si Fenix ay may regular food column sa Philippine Daily Inquirer tuwing Huwebes, ang Country Cooking, kung saan hango ang titulo ng kanyang aklat.

Naging patnugot siya ng Food Magazine at iba’t ibang cookbook tulad ng “Kulinarya: A Guidebook to Philippine Cooking” at “Savor the Word,” koleksyon ng mga nagwaging sanaysay mula sa Doreen Fernandez Food Writing Awards, na siya rin tumatayo bilang chairman ng paligsahang ito.

Tampok sa aklat na ito ang iba’t ibang resipi, mula sa tradisyonal hanggang sa katangi-tanging lutuing pamana na nagmula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Ilang halimbawa ay ang Balbacoa ng Bohol, kung saan ang pata ng baka ay pinakuluan hanggang ang balat at litid nito ay lumambot at sinamahan ng luya upang maalis ang amoy na masangsang at makadagdag ng kaaya-ayang lasa.

May isang dilaw na pangulay na mula sa isang prutas na animo’y isang sayote. Ang kontrobersyal na Pinikpikan mula sa Cordillera na kasama ang proseso sa paghahanda ng manok: “na pinapalo ito nang dahan-dahan hanggang sa mamuo ang dugo sa ilalim ng balat nito saka gigilitin ang leeg.

Mula naman sa Katimugang Cotabato ay ang Nilagpang, kung saan ang inihaw na isda ay iginisa sa gatas. Kasama rin sa aklat ang mga kinagisnang lutuin mula sa mga rehiyon na hindi na kaiba sa ating pandinig at panlasa ito ay ang Sisig mula sa Pampanga, Inasal na Manok  mula sa Negros Occidental, ang Kaldereta ng Batangas, Escabeche ng Leyte.

Ilan lamang ito sa mga tampok na pagkain na may halong mga kwentong pagkain na siguradong kagigiliwan ng lahat. Ang Country Cooking: Philippine Regional Cuisines ay mabibili sa mga pangunahing bookstores ng bansa.

Mula sa New York
Isa sa mga kapanapanabik na hinihintay ng Maynila ay ang pagbubukas ng sangay ng Purple Yam sa Pilipinas.Ito ay isa sa mga ginagalang na restaurant sa Brooklyn, New York, kung saan umani ng tagumpay si Chef Romy Dorotan kasama ang kanyang kabiyak, na si Amy Besa sa kayang “reimagined Filipino food”.

Dahil mahirap umangkat ng mga sangkap mula sa Pilipinas patungong America, binigyan ni Dorotan ng kakaibang kulay, lasa at samyo ang lutuing Pilipino, na gamit ay mga produktong gulay, isda at karne na sa Amerika lamang matatagpuan

Sa pagbubukas ng sangay sa Malate, sa wakas ay matutupad na rin ang pangarap ng mag-asawa na gumamit ng pinakamhusay na lokal sa sangkap na kanilang hinanap at ginaludgod pa nila mula sa iba’t ibang mga rehiyon ng bansa.

Ayon kay Amy, “Tanging mga sangkap lamang na may mataas na antas at uri ang aming gagamitin sa aming restaurant.” “Dahil nais naming makatulong sa mga magsasaka, tanging mga produktong ‘organic’ lamang at mga produkto tulad ng patis at suka na ginawa sa tradisyonal na paraan ang aming gagamitin.”

Bagamat suntok sa buwan ang gagawin nilang hakbang, naniniwala si Amy at Chef Romy na sila ay magtatagumpay sa kanilang adhikain. Dahil napapanahon na ang manumbalik sa kinagisnang lutuin na tama, tapat, malinamnam at makatarungan.

Katuwang ni Chef Romy sa kusina ng Purple Yam, si chef Joseph Galvez na nagtapos sa Enderun College. Ang tambalang Amy Besa at Chef Romy Dorotan din ang sumulat ng aklat na “Memories of Philippine Kitchen” isa sa mga kinikilalang Filipino

cookbook na nagbukas ng pintuan upang maipakilala ang lutuing Pilipino sa ibang bansa, lalong lalo na sa Estados Unidos.
Magbubukas ang pintuan ng Purple Yan sa darating na Hulyo 4.

Chef Cocoy Ventura
Isa sa mga chef na naimbitahan sa paglulunsad nito ay si Chef Cocoy Ventura. Tubong-Isabela at laking-Estados Unidos, umuwi si Ventura ng Maynila upang muling hanapin at tuklasin ang mayamang kulturang kanyang iniwan.

Siya ang may pakana sa resipi ng Sinampalukang tahong at tulya na kanyang ibinahagi sa mga mambabasa ng Bandera.

Kung may katanungan o mungkahi, magtext po lamang sa 09175861936, isulat ang pangalan, edad at lugar.

Sinampalukang tahong at tulya
Green mussels and petit river clams in tamarind blossom broth

 Ingredients
½ kilo live mussels, cleaned
½ kilo live tulya (petit river clams)
2 cups tamarind blossoms, stems removed, roughly chopped
2 cups water
½ cup shallots, sliced
2 tsp garlic, minced
2 pcs green sweet chilies, cut lengthwise
1 tbsp oil Seasalt to taste
Procedure
Heat oil in a deep sauté pan (kawali is ideal). Sauté garlic until light golden in color then add shallots. When shallots are translucent, add water and bring to a rapid boil. Stir in tamarind blossoms and cook for two minutes or until liquid has resumed

Read more...