Iñigo manang-mana kay Piolo: Kung anong puno, siyang bunga!


Walang bukambibig si Piolo Pascual kundi ang kanyang nag-iisang anak na si Iñigo. Ayaw pa raw makipagrelasyon ni Piolo dahil seloso ang kanyang anak, ayaw raw niyang masaktan ang damdamin ni Iñigo, kaya kinakaya niyang maging malungkot muna ang kanyang lovelife.

Basta, sa tuwing iniinterbyu si Piolo ay palaging nakadikit sa kanyang mga salita ang disiotso anyos niyang anak, komento tuloy ng marami ay para bang si Iñigo na ang nagpapatakbo ng kanyang buhay.

Wala nang ibang sinasabi si Piolo kundi si Iñigo, OA na nga ang dating niya kung minsan, dahil kahit wala namang nagtatanong tungkol sa kanyang anak ay sige siya sa kakukuwento.

Sa Amerika nag-aaral si Iñigo, tama lang ang naging desisyon ni Piolo at ng ina ng binata, mas maganda nang sa ibang bansa ito mag-aral dahil baka maging biktima ito ng pangbu-bully sa Pilipinas.

Siyempre, kapag nalaman ng kanyang mga kaklase na anak pala ni Piolo ang bagets, ano ang naglalaro sa ating mga utak ngayon na maipangbu-bully kay Iñigo?

Mapapaaway lang ito, siguradong ipagtatanggol ng binata ang kasarian ng kanyang ama, pero siguradong dadaan sa maraming away ang anak ni Piolo.

Ayaw raw niyang mag-artista si Iñigo, edukasyon ang pinakamatinding pakiusap ni Piolo sa kanyang anak, pero may pasubali ‘yun. Kung gusto raw mag-artista o kumanta ni Iñigo ay wala na siyang magagawa.

May kuwento ngayon na mukhang nag-audition para sa isang banda si Iñigo, ikinatutuwa ‘yun ni Piolo, tutal daw naman ay binigyan na siya ng high school diploma ng kanyang anak. Ano nga ang kasabihan? Kung ano ang puno ay siya ring bunga.

( Photo credit to EAS )

Read more...