‘Pati ako nadamay na sa kaso ni Krista Miller at bugawan sa kulungan!’


A FEW weeks ago ay naging kontrobersiyal muli ang starlet na si Krista Miller matapos siyang makita  sa CCTV ng Metropolitan Hospital na dumalaw sa isang high-profile prisoner na si Richard Camata.

Worst to it, nadamay pa ang pangalan ng anak-anakan naming si Jeff Gonzales at assistant nitong si Arnold dahil lumabas na parang sila ang nagbugaw sa kaniya sa nasabing prisoner.

Nabilugan pa ang mukha nina Jeff at Arnold sa mga TV news programs na parang kinukumpirma nilang bugaw nga ang dalawa kaya nalagay sa alanganin ang mga ito.

Natuloy ang imbestigasyon sa kasong ito – balita kasing pinayagan ng ilang officers ng National Bilibid Prisons si Camata na lumabas ng kaniyang kulungan without permit from the highers-up.

Lalo pa’t hindi naman daw life-threatening ang buhay nito para isugod sa hospital. Asthma lang daw na hindi naman umatake nang malala para mabigyan siya ng permisong magpagamot sa isang hospital.

“Maliban sa hindi naman ito life-threatening, napakaraming hospital naman na malapit sa Bilibid kaya nakapagtataka kung bakit kailangang umabot sila sa Binondo para magpagamot.

Unlike yung other high-profile prisoners na talagang kailangang dalhin sa hospital dahil some are operated on sa puso at ibang bahagi ng kanilang katawan.

Pero itong kay Camata ay simpleng asthma lang na hindi naman malala nung mga oras na iyon,” anang isa officer na nakausap namin.

A friend from NBI called me last week para tanungin ako kung kilala ko personally itong si Jeffrey Gonzales and I said yes. Naglambing ang friend kong ito kung puwede ko bang alamin ang address ni Jeff dahil nire-request daw sa kanila ng DOJ na padalhan ito ng subpoena para makuhanan lang ng ilang information regarding Krista Miller.

Nilinaw naman nilang wala silang kaso laban kay Jeff – they just wanted some information from him regarding this high-profile case.  I asked them to wait dahil tatawagan ko kako si Jeff.

And I finally nakausap ko siya. The next day ay nag-volunteer si Jeff na sumama sa NBI friends namin along with his assistant na si Arnold to shed light to the issue.

Nag-execute sila ng affidavit sa NBI para matulungan ang mga ito sa kanilang imbestigasyon. I don’t know kung ano ang exact na nilalaman ng affidavit nila, basta ang pagkaintindi ko lang ay isinaad nila ang buong kaganapan sa hospital nu’ng dumalaw sila nina Krista roon one Saturday and yung pagbalik ni Jeff doon the next day Sunday. In short, malinaw na walang bugawang naganap – na wala silang nagawang krimen.

( Photo credit to krista miller official fanpage )

Read more...