Piolo, John Prats hadlang sa panliligaw ni Sam kay Shaina

NAALIW kami sa nasulat naming balita tungkol sa late-dinner nina Sam Milby at Shaina Magdayao kamakailan kasama ang ilang kaibigan, ang dami kasi naming natanggap na komento – ang iba ay boto sa dalawa, meron namang kumokontra.

Tanong sa amin ng isang taga-ABS-CBN, “Type mo bang maging sila (Sam at Shaina)?” na singot namin kaagad ng, “Oo, kasi matinong babae si Shaina.”

Sagot naman niya sa amin, “Oo naman, matino talaga si Shaina kung sa iba lang. Kaya lang, magkaibigan kasi sina Sam at John (Prats, ex boyfriend ni Shaina).”

“Anong problema?” balik-tanong namin sa taga-Dos. “Walang problema kay John, kasi di ba naging sila (Shaina), e, magkapatid ang turingan nina Sam at John,” katwiran sa amin.

E, wala namang masama siguro di ba bossing Ervin kung ang naging girlfriend ng bestfriend mo ay mapunta sa ‘yo for as long as okay naman ang samahan at paghihiwalay.

Say naman ng isa pang taga-ABS-CBN, “Bagay naman sila, boto na ako kina Sam at Shaina kumpara kay Jessy Mendiola.”
At may humirit namang talent manager na nabasa rin ang aming artikulo, “In fairness okay sila, kaya lang di ba si Piolo (Pascual) ang nali-link kay Shaina? E, magkaibigan sina Sam at Piolo, di ba?”

Oo nga, no? Haba naman ng hair ni Shaina, tatlong guwapong aktor ang nali-link sa kanya.  Hirit ulit ng talent manager, “Ano ba, noong araw, halos lahat ng sikat na artistang babae, naging dyowa sina Robin Padilla, Gabby Concepcion at Aga Muhlach. Ano ang pagkakaiba ngayon?”

Pero sabi namin, hindi naman magkakaibigan noon sina Sharon Cuneta, Vina Morales, Jolina Magdangal, at iba pa at huli na ng maging “magkapatid” ang turingan nina Shawie at Judy Ann Santos na lahat ay naging ex ni Binoe.

Hindi rin naman siguro naging magkaibigan sina Sharon at Pia Magalona na naging ex-din si Gabby, so walang isyu. Sina Gretchen Barretto, Aiko Melendez at Dayanara Torres ba na naging ex lahat ni Aga ay naging close sa isa’t isa?

Going back to Sam, bagama’t laking Amerika ay konserbatibo pa rin ang binata kaya siguro mapili siya sa babae. Sabi naman ng isang malapit kay Shaina,  “Mas gusto naman namin si Sam kaysa sa dating nanligaw sa kanya na may asawa na ngayon, kasi parang may feeling.”

Ay, parang knowing na namin kung sino ‘yung nanligaw kay Shaina na may asawa na ngayon. Oo nga, hindi rin kami boto roon kasi nakita naming walang nagtatagal na girlfriend at ang nakakaloka, ang lalaking ito mismo ang nakikipaghiwalay, kalurkey!

Anyway, saan man papunta ang muling paglabas nina Sam at Shaina ay abangan natin. Kumibit balikat lang si Sam nang ikuwento niyang malapit nang magtapos ang Dyesebel, mami-miss daw kasi niya ang mga kasamahan niya sa serye.

Pero kaagad niyang sinabi na parati pa rin silang magkikita ng leading lady niyang si Anne Curtis dahil may pelikula silang ginagawa, ang “The Gifted” ng Viva Films. Kakaiba ang papel ni Sam sa  movie dahil medyo bad boy siya rito.

( bandera.ph file photo )

Read more...