Kailangang pumasa muna sa panlasa nina Toni Gonzaga at Mommy Pinty ang lalaking manliligaw kay Alex bago niya ito sagutin ang magiging boyfriend.
Sey ni Alex, kailangan munang dumaan sa “pagsubok” ang guy bago nito makuha ang matamis niyang “oo”. Paliwanang ni Alex, “Pag sinabi ng ate ko, ‘Ayoko niyan,’ ayoko na din.
Ang mommy, kunwari may ipinakilala ka sa kanya, ‘tapos sinabi niya, ‘Ayoko ‘yan,’ huwag mo nang ituloy.” In fact, meron daw nanligaw sa kanya na type na type niya pero kinailangan niyang iwasan ito dahil nga hindi pumasa sa standards ng kanyang madir at sisteraka, “Dahil ayaw niya (Mommy Pinty) at ayaw ng ate ko, wala na rin.
So, parang ayaw na sa ‘yo, huwag na nga lang. No choice. The choice is not mine.” Pero kung siya ang masusunod, mas gusto ni Alex ang non-showbiz guy, “Sabi ng ate ko, ‘Mas maganda hindi showbiz para may outlet ka aside from showbiz.’ Yun ang sabi niya.
Pag boyfriend mo hindi taga-showbiz parang may natututunan ka pa, hindi lang mundo mo na showbiz.” Samantala, hindi lang sure si Alex kung boto ang Gonzaga family sa ka-loveteam niya sa seryeng Pure Love na si Arjo Atayde, anak ng magaling na aktres na si Sylvia Sanchez.
Very vocal kasi ang binata na gustung-gusto niya ang sister ni Toni at handa raw siyang maghintay kung kailan magiging ready ang dalaga sa pakikipagrelasyon.
Ngayon kasi, parehong naka-focus sa kanilang bagong soap opera sina Alex at Arjo, ang Pure Love na Pinoy version ng Koreanovelang “49 Days” na magsisimula na sa July 7, ang papalit sa magtatapos ng Mirabella nina Julia Barretto at Enrique Gil.
In fairness, hindi kami agree sa mga nagsasabing hindi bagay kay Alex ang kanyang role sa Pure Love na isang babaeng na comatose na binigyan ng mission ang kaluluwa para muling mabuhay.
Sure kami na swak na swak sa dalaga ang nasabing karakter. Makakasama rin sa Pure Love sina Yen Santos, Joseph Marco, Matt Evans, Arron Villafor, Anna Luna at marami pang iba, sa direksiyon nina Veronica Velasco at Mikey del Rosario.
( Photo credit to EAS )