HULING linggo na ng primetime series na Mirabella sa ABS-CBN nina Julia Barretto at Enrique Gil, at umaasa ang dalawa na hindi ito ang huling proyektong pagtatambalan nila.
Inamin ni Enrique na sa lahat ng mga naging leading ladies niya sa telebisyon at pelikula ay si Julia ang naging pinakamalapit sa kanya.
Pero sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye ay mukhang hindi nga nauwi sa totohanan ang kanilang pagmamahalan tulad ng kuwento ng Mirabella.
Kaya ang tanong kay Enrique, pinigilan ba talaga niya ang sarili na ma-in love kay Julia? “I don’t know. I don’t know how to explain, e. Basta, it’s also kasi when you work with somebody and then it gets complicated.
“Minsan mag-aaway kayo and then ‘pag work day na, ‘pag nasa taping na, medyo mahirap umarte dahil may ‘di okey. So, it’s more of just protecting the show,” paliwanag ng binata.
Esplika pa ng binata, tulad ng title ng huling episode ng Mirabella na “The Beautiful Ending”, napakaganda rin daw ng nabuong friendship sa pagitan nila ni Julia, “Actually, ‘di naman ito magtatapos dito, e.
We’re looking forward for something more, kasi we built something here and it’s not going to go away forever. So, we can continue it, kung puwede.”
Tulad nga ng sabi ni Mirabella, “Like more than anything, sigurado if there’s a promise, sana, even after the show and even if we have more love teams, sana the friendship will remain, ‘di ba?”
Inamin naman ni Enrique na attracted siya sa kanyang leading lady, “Yeah, yes, of course. I mean, parang maging close kayo sa isa’t isa in the first place, kailangang magustuhan mo siya.
Hirit pa niya, “Gusto ko siya and her likability is really high. Mas madali kaming nag-jive because she’s really open to me. So, that’s what I really like, yung open, yung hindi afraid kung ano ang nararamdaman niya.
That’s what she is—she’s very true to herself. Yun ang gusto ko, kaya siguro. Naalala pa nga ng Kapamilya hunk yung unang pagkikita nila ni Julia sa taping ng Mirabella, “Sa simula, nu’ng magkita kami, hindi kami nag-uusap.
Nakita ko lang siya sa gilid, tahimik lang, ‘di siya tumitingin sa akin. Pero nung naging close kami, she started opening up, nag-o-open na ako sa kanya.
“She started to share at sa mga kalokohan, masyado kaming close—sa mga jokes, number one kami. Kaya kapag nakilala n’yo si Julia Barretto, maniwala kayo sa akin, magbabago ang pananaw n’yo sa kanya.
She’s an amazing love team partner,” sey pa ng binata. Samantala, tutukan ang huling linggo ng Mirabella dahil marami pang magaganap na twist sa kwento, lalo na ang “beautiful ending” nito sa July 4, bago mag-TV Patrol.
( Photo credit to enrique gil official fanpage )