Alex mas gustong magkadyowa ng matanda


Kay Direk Wenn Deramas din namin nalaman kung ano ang magiging ending ng bagong teleserye sa ABS-CBN na Pure Love na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga at magsisimula sa July 7, Monday, bago mag-TV Patrol kapalit ng Mirabella.

Pero syempre, ayaw naming i-preempt, ‘no! Ang Pure Love ay local adaptation ng 2011 Korean TV series na 49 Days. Tungkol ito sa kuwento ni Dianne (Alex) na isang masayahin at laki sa yaman na dalaga at ni Ysabel (Yen Santos) na isang ordinaryong manggagawa na nawalan ng gana sa buhay mula nang mamatay ang boyfriend.

Ka-partner ni Alex sa teleserye si Arjo Atayde na umaming type maging girlfriend sa totong buhay si Alex. In fact, nagpunta na raw sa bahay ni Alex si Arjo but sad to say wala doon ang leading lady niya.

“Well, I’ll let you know what’s the update, soon. But so far, wala pa,” sabi ni Alex. Inamin ng dalaga na sa ngayon if ever magka-boyfriend siya, gusto niya na mas matanda sa kanya.

Mga five or seven years ang gap sa age niya ngayon na 26. Parang sinasabi niya na basted agad si Arjo sa kanya, ganoon ba?
“Hindi ko naman po sinasabi ‘yun, kasi minsan kahit ideal tayo napupunta tayo sa kung ano, hindi.

So far, right now, hindi ko pa po talaga naiisip ‘yun.” Nagkaroon daw dati ng boyfriend si Alex pero non-showbiz. Plus dalawang suitors na mga Chinese na non-showbiz.

( Photo credit to alex gonzaga official fanpage )

Read more...