Matteo niligawan noon si Maja kahit si Sarah ang minahal


PAGKATAPOS naming isulat ang post ng box-office director na si Wenn Deramas sa kanyang Facebook account ng pagkaka-wrong send ng text message sa kanya ni Matteo Guidicelli na “good morning mahal,” saka lang umamin si Sarah Geronimo na boyfriend na niya ang Kapamilya actor-car racer.

Sakto naman at nakausap namin si Direk Wenn sa shooting ng latest film project niya for Star Cinema na “Maria Leonora Teresa,” biro niya binayaran daw siya ni Matteo na ilabas ang post nito para umamin na si Sarah.

“Ah, natutuwa ako kasi liberating sa kanila pareho, ‘di ba? Siguro silang dalawa gustung-gusto na rin ‘yan, kaya umamin na si Sarah. Parang naghahanap lang talaga ng tamang-tamang timing.

E, nagkataon ‘yun na everyday talaga na may textan kami ni Mate. Super good morning talaga ‘yan. Pagkatapos niyan, ‘Good morning mahal.’ Ah, ‘yun pala, ha.

Mahal mo ko, sinasabi ko na nga ba, e. Hindi ko naman alam na ganoon sasabog ang lahat,” kwento ni Direk Wenn. Biro lang daw ni Direk Wenn ‘yun  at hindi niya inakalang lilikha ng malaking balita, “Oo, umabot ng TV Patrol. Umabot ng CNN.

Ha-hahaha!” Hindi pa raw sila nagkakausap ni Matteo pagkatapos ng insidente. “Right after noon, pinaalam ko naman, e. Sabi ko Matteo, ilalabas ko ‘to, ha. Nakakatawa ‘to sa FB, sabi ko.

Tawa lang siya nang tawa, ‘Sige, Direk.’ So, ‘yun na, nu’ng sumabog na ‘yan, libo ‘yung inabot nu’ng likes ko. Tapos hundreds ‘yung comment. Tapos may kalokohan pa ako na nagawa,” lahad niya.

Dugtong pa niya, “Pareho ko silang, nu’ng pinost ko ‘yun, tinakpan ko ng sticker ‘yung number ni Matteo, kung mapapansin ninyo. Pero nu’ng sa Instagram, ang nagamit ko ‘yung original.

So, lumabas ‘yung number ni Matteo. Ang daming nagte-text, ang daming tumatawag sa kanya. So, kinailangan niyang magpalit ng number. Libu-libo mula umaga ang daming tumatawag at nagte-text sa kanya.

Sabi ko, sorry talaga. Tawa lang din siya ng tawa. At subukan naman niyang magalit sa akin! Ha-hahaha!” Hindi pa rin daw sila nagkikita ni Sarah at wala rin daw siyang number ng Pop Princess.

Bukod kay Sarah, wala ring ibang tumawag sa kanya para sitahin siya sa paglabas ng text  ni Matteo na na-wrongsend sa kanya.
“Subukan nila,” sabay tawa na naman ni Direk. “Una, account ko ‘yun.

And then, nagkataon na meron from the press na kaibigan ko rin, o, e, wala tayong magagawa, ‘di ba? Kaibigan ko ‘yun. Pangalawa, hindi ako ‘yung nagkamali. Pangatlo, sila naman talaga. Matagal ko nang alam.”

Nagkukwento na raw si Matteo sa kanya from day one na nagging sila ni Sarah, “Pero syempre respeto mo doon sa tao kung nagko-confide sa yo, syempre hindi mo ilalabas.

Until lumabas ‘yung tamang panahon na, kung  kay Matteo wala, e. Okey sa kanya na itago kasi mahal na mahal niya si Sarah. Hinihintay lang niya si Sarah.”

Matagal na raw gusto ni Matteo si Sarah bago pa niya naging girlfriend si Maja Salvador. E, bakit nga kasi nanligaw pa siya kay Maja noon at hindi na lang dumiretso kay Sarah?

“Siya ang tanungin ninyo. Pero alam ko may cute na kwento pa ‘yan, e, mga five or six years ago. Sobra na niyang crush si Sarah. At saka alam din niya siguro that time kung liligawan niya si Sarah, hindi rin magbo-boyfriend si Sarah.

So, ngayon nasa tamang edad si Sarah, pabulok na raw ang edad niya, 26 sa July, so, she’s old enough para makipagrelasyon. Si Matteo is 24 ata or 25. Wala naman ‘yung edad,” sagot niya.

( Photo credit to EAS )

Read more...