Claudine, Raymart muling bubuuin ang pamilya


POSIBLE pa ring magkaayos at magkaurungan ng demanda ang estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Ito’y  kung mas uunahin nila ang kapakanan ng kanilang dalawang anak.

Ayon kay Claudine, naging maayos at peaceful ang paghaharap nila sa korte kamakailan ng nakahiwalay na mister kaya nagkaroon sila ng magandang agreement para sa custody nina Sabina at Santino.

“We may have failed us husband and wife but we will will strive to be good parents for the sake of our children,” chika ni Claudine sa interview ng ABS-CBN.

Ibinalita rin ng aktres na magkakasama sila muli ni Raymart at ng kanilang mga anak sa isang “weekend activity”. At dahil dito, marami ang nagpapalagay na magandang simula ito para mabuksan ang pagkakataon na sila’y muling magkabati.

Chika pa ni Claudine, umaasa siya na tutupad si Raymart sa mga napagkasunduan nila sa huling hearing ng kanilang custody case.

( bandera.ph file photo )

Read more...