Sulat mula kay Sylvia ng Barangay Central Bulanan, Midsayap, North Cotabato
Dear Sir Greenfield,
Malapit na akong maging 30-anyos at hindi pa rin nagkaka-boyfriend. Hindi ko itinatago ang aking edad. Nagagalit ako hindi dahil sa wala akong manliligaw. Nagagalit ako dahil ang malakas ang loob na manligaw sa akin ay mga may sabit na o mga may asawa na. Nagtitiis akong mag-isa dahil ayaw kong maging kabit na lang. Bukod sa certified virgin ay hindi pa ako nalalawayan o nahahalikan ng lalaki. Kailan ba ako magkaka-boyfriend?
Umaasa,
Sylvia ng Barangay Central Bulanan, Midsayap, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang mag-alala. May namataang malinaw na Guhit ng Pakikipag-boyfriend o Guhit ng Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa malapit na hinaharap, matutupad din ang malaon mo nang pangarap –magakaka-boyfriend ka, makakaranas ng romantikong relasyon atmakakatikim na rin sa wakas ng first kiss.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Ten of Hearts, at Jack of Hearts ang lumabas(Illustration1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito atbago matapos ang taon, may manliligaw sa iyo na lalakin kasing edad morin, kung saan, isang mainit at romantikong relasyon ang mabilis namabubuo.
Itutuloy….
Di pa nalalawayan
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...