Kris, Boy winner sa Asia Rainbow TV Award sa China

By Reggee Bonoan June 28,2014
share this

Kris, Boy winner sa Asia Rainbow TV Award sa China

By Reggee Bonoan June 28,2014
share this


PERSONAL na tinanggap ni Kris Aquino ang award niya bilang Outstanding Program Hostess para sa morning show niyang Kris TV sa nakaraang Asia Rainbow TV Award na ginanap sa Macau, China noong Huwebes ng gabi.

Hindi nakasama si Boy Abunda para tanggapin ang tropeo niya bilang Outstanding Program Host naman para sa programang The Bottomline.

Samantala, nanalo rin ang ASAP 19 ng Outstanding Variety Program na tinanggap din ni Kris. Na-interview namin si kuya Boy kamakailan sa set ng Aquino & Abunda Tonight at binanggit nga niyang nominado sila ni Kris sa nasabing award giving body pero hindi siya sure kung mananalo sila dahil nga marami silang kalaban.

Noong Huwebes lumipad patungong Macau si Kris kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby at ang staff ng Kris TV para isabay na rin ang taping nila doon.

( bandera.ph file photo )

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending