SINIGURO ni Ruffa Gutierrez na hindi muna siya mai-in love this year – as in iiwasan daw muna niya ang mga lalaki para hindi masira ang diskarte niya ngayong 2012 para sa kanyang showbiz career.
Sa contract-signing na naganap sa pagitan ni Ruffa with siblings Raymond and Richard Gutierrez at ng Viva Artist Agency ni Boss Vic del Rosario (na siyang magha-handle ng kanilang endorsement deals) last Wednesday ay buong-ningning na sinabi ng mommy nina Lorin at Venice na wala munang lovelife this year.
“Hindi, kasi a lot of the ano… a lot of the stars now, a lot of my friends are always saying, ‘Ay sana ma-in love na ako this 2012. Sana I find the right one.’
“Ako ang sinasabi ko, ‘Sana, no distractions for 2012.’ I don’t want anyone in my life. I don’t wanna fall in love.
I wanna be single, work, and be successful, which I already am,” paliwanag ng TV host-actress.
Nagtawanan naman ang entertainment press na present sa nasabing contract-signing nang humirit si tita Annabelle Rama ng, “I heard that a thousand times already, Ruffa.”
Pero say ng TV host-actress, “Basta ang sabi ko, for 2012 lang ‘yun! Ha-hahaha!”
At para raw patunayan niya sa lahat na seryoso siya sa kanyang mga sinabi, sa pagbabakasyon niya sa South America with some friends (umalis na sila nu’ng Miyerkules ng gabi), paiiralin daw nila ang “No boys rule”.
“Ayoko ng distraction. Kung may distraction man, maiiwan sila du’n,” chika ni Ruffa na maglilibot for two weeks, partikular na sa São Paulo, Rio, Salvador da Bahia, plus Buenos Aires at Mendoza.
Nilinaw din ni Ruffa na hindi nila kasama sa nasabing bakasyon ang huling lalaki sa buhay niya na si Eduardo Puertas, isang Brazilian, “No, hindi siya kasama. No. No, no, no. Hindi siya kasali sa equation.”
Pero nagkikita pa ba sila? Ano’ng nangyari sa pagde-date nila noon? “Well, the problem nga is he doesn’t live here coz he’ll be leaving the country end of this year.
So why focus on something na hindi naman pang-matagalan, di ba? I’d rather be alone than be with someone na hindi naman magtatagal.”
After her two-week vacation, babalik na sa pagtatrabaho si Ruffa at stay pa rin daw siya sa TV5 with Paparazzi and Talentadong Pinoy.
Magiging busy na rin siya sa shooting ng latest movie niya with Gabby Concepcion, Pokwang and John Lapus.
Sa tanong naman kung totally naka-move on na siya sa naunsiyaming relasyon nila ni John Lloyd Cruz at sa away nila ni Shaina Magdayao? “Akala n’yo lang masakit sa akin.
Ah, oo, for people, I guess, it was a storm. But for me it was nothing because I didn’t do anything so, wala ‘yun. Ni hindi nga naging bagyo ‘yun sa buhay ko.”
About her ex-husband Yilmaz Bektas, kumusta naman sila? “You know, Yilmaz and I have our moments. Sometimes, it’s winter, at hindi kami nagkakasundo. Sometimes, it’s summer and we talk as if we’re good friends.
“So, as of now, wala kaming communication and I’d like to think na we will come up with a solution to be the best parents to our kids. I think that what’s most important, na we’ll let emotions not rule us and, you know, maging maayos naman kami at maging at peace for the sake of Lorin and Venice.”
Anyway, nilinaw naman ni tita Annabelle na ang mga endorsements lang ng tatlo niyang anak ang iha-handle ni Boss Vic as manager, siya pa rin daw ang hahawak ng TV and movie projects ng mga ito.
Say naman ni Boss Vic, napakarami niyang plano para sa Gutierrez siblings at natutuwa siya dahil pumayag nga si tita Annabelle na siya ang mangasiwa sa endorsement deals nina Ruffa, Raymond and Richard.