HIV patient may benepisyo sa SSS?

AKSYON Line,
Ako pa rin po si Bert na isang HIV carrier. Nakakalungkot po ang sakit na dumapo sa akin pero wala na po akong magagawa kung hindi tanggapin ang katotohanan.
Ask ko po sana ang SSS kung ako ba ay saklaw ng kanilang disability benefits program at kung may makukuha po ba ako sa SSS sa ganitong sitwasyon ko. Kung may makukuha po ako, ano po kaya ang mga requirements o meron po bang programa ang SSS o maaaring ibigay na tulong sa tulad kong dinapuan ng ganitong sakit, maaari po ba akong makapag-avail ng loan para sa kondisyon ko dahil employed naman po ako. Salamat po.
Bert

REPLY: Ito ay kaugnay sa tanong ni G. Bert na kung ang HIV ay saklaw ng disability benefit ng SSS.

Base sa aming patakaran, ang HIV ay hindi kabilang sa mga kategorya ng sakit na nasasakupan ng disability benefit.
Subalit, may mga pagkakataon na ang isang miyembro na may HIV ay maaaring masaklaw ng disability benefit depende sa mga iba pang sakit na kanyang nakuha dahil sa pagkakaroon ng HIV.

Aming pinapayuhan si G. Bert na kanyang isumite sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS ang kanyang aplikasyon para sa disability claim kasama ang mga hospital records at mga laboratory test results kung mayroon. Ito ay upang masuri ng
aming doctor ang kanyang medical records para malaman kung siya ay kuwalipikado sa nasabing benepisyo.

Sana ay nabigyan namin nang linaw ang katanungan ni G. Bert. Salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Sumasainyo,
MAY ROSE DL FRANCISCO
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust
ream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...