PNoy ‘negastar’; Ibabagsak ni Ate Guy

NOYNOY AQUINO AT NORA AUNOR

DAHIL sa naging pambansang usapin na ang pag-eetsapuwera ni Pangulong P-Noy sa ating superstar na si Nora Aunor on her confirmation as a National Artist, kung ano-ano na tuloy ang nanganak na isyu.

Pero dahil si Ate Guy at ang NA award ang topic, yung related items na lang ang banggitin natin.

Una, dahil ang mga Marcos daw ang nag-create ng naturang parangal, baka raw itinuturing ng Pangulong Aquino na pagsuway sa anumang sinumpaang covenant sa angkan nila ang ma-associate rito.

Noong 1972 via Presidential Proclamation 1001 ay na-establish ang paglikha ng Order of National Artists para sa mga indibidwal na nire-recognize ang kahusayan sa mga larangan ng Music, Dance, Theater, Visual Arts, Literature, Film and Broadcast Arts, and Architecture or Allied Arts.

Nasundan pa ito ng iba’t ibang proclamation and executive orders para malikha naman ang NCCA at CCP na silang mangangasiwa ng proseso ng pagpili at pagrekomenda sa Pangulo ng mga nominado.

Pati nga ang mga sagisag ng medalyon (KKK), kulay (pula, puti at asul) at “motto” (Katotohanan, Kabutihan at Kagandahan) na pinasikat ni Gng. Imelda Marcos noon ay tila nasilip na ring mga rason upang hindi nga yata pag-interesan ni P-Noy ang usapin ng arts and culture ng bansa.

“Kahit saan kasi namin tingnan ang kontribusyon ni Nora Aunor sa sining, walang dahilan para hindi siya hirangin ng kahit pa sinong nag-iisip na Pangulo, bilang may huling sey sa proklamasyon. Kung ang pagkakaroon ng association sa lumang administrasyon (Marcos) na in all fairness ay may mataas at wastong pagtingin sa larangan ng sining, aba’y baka husgahan nga siya ng kasaysayan bilang isang Pangulong walang alam?” ang makahulugang ibinahagi sa amin ng isang nag-aaral ng Philippine history.

Nakakabaliw ang mga iba pang puna lalo na yung tungkol sa motto na “the true, the good and the beautiful” ni Gng. Marcos na this time and age daw ay baka trip palitan ng presidential sister na si Kris Aquino ng “Love, love, love” (LLL imbes na KKK) at dahil absent daw ang kulay dilaw na associated sa mga Aquino, eh baka raw magmukha nang may hepatitis ang sagisag ng medalyon ng National Artist.

Hay naku mga ka-BANDERA, sari-sari na nga ang mga naglutangang usapin sa pang-iisnab ng pangulo kay Ate Guy. Bongga talaga ang Supertstar, imagine sa dami ng mga matitinding isyu sa gobyerno na inilusot at inilulusot ng pamahalaang ito, eh baka kay Ate Guy lang sila pumalpak.

Si P-Noy ngayon ang tinitira ng madlang pipol, hinusgahan na siya ng walang alam, hindi nakaka-move on, benggador at kung anu-no pa. Kaya marami ang nagsasabi na pagsisisihan niya ang ginawa kay Nora. Bukod pa diyan ang nagkakaisang sigaw ng mga artista sa bansa na deserving si Ate Guy sa naturang award.

Read more...