Kylie dedma muna sa lalaki; kinarir ang pagkanta

KYLIE PADILLA

Blooming at fresh na fresh na humarap sa press kahapon ang ex-girlfriend ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla para sa launching ng kanyang first album entitled “Seasons”.

Ibig sabihin, totoo nga ang sinabi niyang unti-unti na siyang nakaka-recover mula sa break-up nila ni Aljur, very obvious nga ‘yun sa kanyang aura. Ayon kay Kylie, happy na siya ngayon pero mukhang matatagalan pa bago uli siya magka-boyfriend.

Hindi raw siya nag-e-entertain ngayon ng manliligaw, though hindi naman daw siya na-trauma sa naging relasyon nila ni Aljur, wala pa raw siyang kabalak-balak na pumasok sa bagong relasyon. Mas gusto niyang mag-concentrate sa trabaho at sa bago niyang mundo – ang pagiging singer nga.

In fairness, narinig na namin ang walong kanta sa “Seasons” album ni Kylie at may karapatan naman talaga ang dalaga na kumanta. Gustung-gusto ko ang carrier single niyang “Gitara” na siya mismo ang nag-compose. Ang ganda-ganda rin ng MTV nito kung saan feel na feel ni Kylie ang bawat lyrics ng song.

Also included in the tracklist are “Awake,” “Mine,” “Thank You,” “Lonely Without You,” “Seasons,” “Sulat” at “Alive.”

“Making this album was truly an emotional journey. I got to know more about myself, and I’m sure na marami ring makaka-relate sa songs na nasa album na ‘to,” sey ni Kylie na handang patunayan sa buong mundo na keri rin niyang maging magaling na performer kahit mas nakilala siya bilang drama actress.

“Seasons” can now be digitally downloaded via iTunes, Amazon and Spotify while the CD format is set to hit the stands on June 30. Mapapanood pa rin si Kylie sa GMA Network’s musical variety program Sunday All Stars.

Read more...