AT 20, wala pang nagiging seryosong relasyon ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose, meaning siya talaga ang matatawag na certified single since birth.
Sa press launch ng kanyang bagong album na “Deeper”, sinabi ng Kapuso singer-actress na wala pa sa priorities niya ang makipag-boyfriend.
Ayon kay Julie Anne, mas gusto niyang ibigay ang lahat ng kanyang panahon sa trabaho, feeling kasi niya, hindi rin niya mapapanindigan ang pagkakaroon ng boyfriend sa mga panahong ito kaya might as well, manatili na lang munang single.
“Sa ngayon, wala pa po talaga. Ayaw ko pa po munang isipin ‘yan. I want to focus muna sa work ko at sa school. Next time na lang yun, for sure darating naman yan sa tamang panahon. Siguro pag stable na ang lahat saka ko na bibigyan ng chance yan (lovelife),” chika ng dalaga kasabay ng pagsasabing, “Gusto ko kasi, pag nagka-boyfriend ako, pareho na kaming mature, yung kami na talaga, wala nang palitan.”
In fairness, isa si Julie Anne sa masasabi naming certified virgin, hindi kasi namin siya nakikitaan ng kalandian, siya yung tipo ng anak na responsable at alam ang kanyang priorities. Hindi tulad ng ibang youngstars diyan na pa-sweet ang drama pero mas makati pa pala sa higad!
Anyway, isa si Julie Anne sa pinaka-successful na young artists sa bansa, bukod sa tinanggap na 9x Platinum Record award para sa kanyang first self-titled album at sunud-sunod na endorsements, busy na uli ang dalaga sa promo ng kanyang second album, ito ngang “Deeper” under GMA Records na agad na nag-number one sa iTunes Top Albums Chart (digital format). At very proud siya sa album na ito dahil lima sa tracks nito ay siya ang nag-compose.
“Bale six lahat yung compositions ko rito, yung isa kasi galing du’n sa una kong album,” sey ni Julie Anne. Ang tinutukoy niya ay ang mga kantang “Blinded,” “Never Had You,” “Deeper,” “Tulad Mo,” “If Love’s Your Crime” at “Baby You Are.”
Bakit ba “Deeper” ang title ng album? “Dati kasi, I’m not really into composing songs, this time, talagang kinarir ko ang pagsusulat. So, mas intimate, mas personal ang album na ito, mas special. Tsaka di ba, yung iba, makakapag compose lang ng song pag may inspirasyon sila na someone special, sa akin yung inspirasyon na yun galing sa family ko, sa friends ko and of course sa mga supporters ko. Parang sila yung nag-inspire pa sa akin lalo para ipagpatuloy ko yung craft ko sa music.”
Samantala, natanong uli kay Julie Anne ang tungkol sa naging ka-loveteam niya noon na si Elmo Magalona na may bago nang partner ngayon sa katauhan ni Janine Gutierrez – okay ba sa kanya na magkatambal uli sila?
“Before the year ends actually, baka magkaroon uli ako ng teleserye, but I don’t know yet, hindi ko pa alam kung si Elmo ang makakasama ko. But like I always say, I’m not closing my door. Walang problema sa akin kung sinuman ang makatrabaho ko.
But personally, I think, it’s not yet the right time to work with him again, kasi siyempre may Janine-Elmo na. Siyempre, respeto na rin sa kanila.”
Anyway, available na rin ang “Deeper: Julie Anne San Jose” sa lahat ng record bars.