Kunwaring pag-ibig (2) | Bandera

Kunwaring pag-ibig (2)

Joseph Greenfield - June 26, 2014 - 01:38 PM

Sulat mula kay Adora  ng Libertad, Antique
Problema:
1.      Ang sabi ng albolaryo ay hindi raw ako mabubuntis ng lalaking asawa ko dahil raw ito ang tunay na minamahal ko.  Kaya sa apat na taon pagsasama ay hindi pa rin kami nakabubuo.  Ang akala ko nga ay buntis na ako dahil na-delay minsan.  Napaaga tuloy ang selebrasyon namin.  Pero, sa totoo lang parang ayaw ko nang magkaanak ngayon.
2. Noon ay gustung-gusto ko.  Ngayon ay ayaw ko na dahil sa mataas na presyo ng pagkain at bilihin.  Napakahirap talaga ng buhay ngayon.  Parang tama ang albolaryo.  Hindi ko nga lubos na mahal ang kinakasama ko ngayon.  Ano ang dapat kong gawin?  July 13, 1995 ang birthday ko.
Umaasa,
Adora ng Libertad,  Antique
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac mong Pisces  (Illustration 1.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer ang magiging ikalawang boyfriend mo, matapos mahiwalay sa kasalukuyan mong boyfriend. Kung saan, ang lalaking Cancer na nga ang makakasama mo habambuhay.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing sa susunod na taon, mawawala ang bisa ng gayuma na ginamit sa iyo ng kasalukuyan mong boyfriend at ka-live-in, upang pagkatapos ng 7 hanggang 8 buwan magka-boyfriend ka uli ng lalaking isinilang sa petsang 13. Ang lalaking ito na may zodiac sign na Cancer at birth date na 13, tulad ng nasabi na, ang panghabambuhay mo nang makakasama sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Luscher Color Test:
Upang tuluyan nang mawala ang bisa ng gayuma, lagi kang gumamit ng kulay pula at dilaw. Sa ganyang paraan magbabalik ang katinuan ng iyong isipan. Makakalaya ka na sa kanyang pang-gagayuma.
Huling payo at paalala:
Adora, ayon sa iyong kapalaran, hindi na magtatagal ang pangga-gayumang ginawa sa iyo ng kasalukuyan mong boyfriend na ka-live in mo ay mawawalan ng bisa. Upang pagkatapos magpasya kang makipaghiwalay sa kanya. Hanggang sa makilala mo ang ikalawang lalaking darating sa iyong buhay na nagtataglay ng initial na R.A., ang lalaki ito ang siya ng totoong mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng  maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending