Lj wala nang pagnanasa kay Paulo


Maayos na ang relasyon ng dating magdyowa na sina LJ Reyes at Paulo Avelino. Kaya maswerte na rin ang anak nilang si Aki dahil kahit nagkahiwalay ang kanyang mga magulang ay masasabi pa rin niyang “buo” ang kanyang pamilya.

Nakachika namin si LJ sa pocket presscon na ibinigay ng GMA para sa mga “Kapuso Kontrabida” kung saan nga inililinya ang aktres. Kasama niya sa hanay na ito ang iba pang magagaling na kontrabida ng Siyete na sina Chynna Ortaleza, Thea Tolentino, Vandess del Mora, Rich Asuncion, Charee Pineda at Joanna Marie Tan.

Makakasama si LJ sa remake ng seryeng Yagit bilang si Flora. At siyempre, kontrabida ang role niya rito. Malapit na silang mag-taping para sa nasabing proyekto, tinatapos na lang daw ang audition para sa mga batang gaganap na Tomtom, Elisa at Jocelyn, ang mga pangunahing bida sa Yagit.

Anyway, sinabi nga ni LJ na nabibigyan naman ng sapat na panahon ni Paulo ang kanilang anak kaya wala na siyang mairereklamo.

Responsable at mabait daw na tatay si Paulo at talagang nag-e-effort naman para makabawi sa bata kapag hindi sila masyadong nagkikita.

Siniguro rin ni LJ na wala na siyang nararamdamang love (at pagnanasa) para kay Paulo kaya kung magkakatuluyan man ang binata at ang nali-link ditong si KC Concepcion ay walang problema sa kanya.

Anyway, wala raw lovelife si LJ, at hindi rin siya naghahanap.

( Photo credit to EAS )

Read more...