Ikaw Lamang nina Coco at Kim hindi mapatumba ng kalaban


Talagang hindi matalu-talo ng mga kalabang programa sa kabilang TV network ang Ikaw Lamang nina Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca at Julia Montes.

Dalawang shows na ng GMA ang tumapat sa Ikaw Lamang pero hindi pa rin ito mapatumba. Nauna na nga diyan ang Carmela na wala na ngayon sa ere at ang Kambal Sirena na magbababu na rin.

Laging doble ang lamang ng Ikaw Lamang sa ratings game. After nito, isang bagong show na naman ang itatapat ng kalaban sa Ikaw Lamang. Tingnan natin kung makakalaban ito nang sabayan sa Primetime Bida serye nina Coco.

Hindi sa pagiging biased, pero ang lupit naman kasi talaga ng Ikaw Lamang. Gabi-gabi ay may nagaganap na unexpected twists. May mga rebelasyon na kagulat-gulat.

At talaga namang kahanga-hanga ang performance ng lahat ng cast, as in lahat sila napakahusay!

( bandera.ph file photo )

Read more...