Julia napaiyak sa presscon ng Mirabella; may pinagdaraanan


NAGING emotional si Julia Barretto sa interview sa kanya tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng unang serye niyang MiraBella kasama si Enrique Gil.

“First of all kasi, magtatapos na ‘yung show, siyempre, nakaka-sad, but I think, kapag I’m telling my stories, ‘yung journey ko, I get emotional talaga kapag ikinukuwento ko ‘yung mga pinagdaanan ko,” pagtatapat ng batang aktres.

Hindi rin naman kasi naging madali ang pagpasok ni Julia bilang artista ng ABS-CBN bagama’t matagal na siyang napapanood sa mga commercial noong bata siya,  hindi naman iyon ang naging daan para tanggapin siya kaagad ng mga tao.

Kaya naman nang umere na ang MiraBella ay abut-abot ang pasalamat ni Julia dahil maganda ang ratings at feedback maski na maraming isyu sa kanya ngayon tulad sa tatay niyang si Dennis Padilla na may sama raw ng loob sa kanya.

Ayon sa ulat, tinanggal na ni Julia ang apelyido ng tatay niyang si Dennis (Padilla) sa pangalan niya kaya’t officially ay Barretto na ang kanyang surname. Pero hindi nagbigay ng paliwanag si Julia tungkol dito at sinabing, “I’m good.”

Nai-file na  ito ng mommy ni Julia na si Marjorie Barretto at hinihintay na lang ang desisyon ng korte kung tuluyan nang mawawala ang apelyido ni Dennis sa pangalan ng anak.

Sabi ng aming source, “Mahihirapan sina Marjorie kasi naka-pirma si Dennis sa birth certificate ni Julia bilang ama, e, maraming proseso pa ‘yan, kaya aabutin pa siguro ng maraming taon bago maresolusyunan yan‘.”

Samantala, kaibigan ni Julia si Julian Estrada, anak ni Sen. Jinggoy Estrada na nasa kulungan nga ngayon dahil sa kasong plunder kaya’t hiningan siya ng komento tungkol sa binata.

“Yeah, Julian is a good friend of mine, I hope he’s strong right now and I’m praying for their family, they are really nice and they’ll gonna be fine, I believe they’ll gonna be fine,” ani Julia.

At isa pang tinanong kay Julia ay tungkol sa leading man niyang si Enrique kung hanggang saan ang closeness nilang dalawa dahil base sa kuwento ng aktor ay ang dalagita ang pinakamalapit sa kanya among his leading ladies.

“That’s very nice of Ken (palayaw ni Enrique) naman, siyempre, nakaka-flatter siya, kasi you’re working, you’re building a friendship, tapos iyon pala ang tingin niya sa akin, iyon pala ang feelings niya towards me na ako na pala ‘yung naging close niya sa lahat.  It’s very flattering.

“Wala namang meaning ‘yung closeness namin, we’re really good friends, just close friends,” paliwanag ng dalaga.Kaya raw nahulog nang husto ang loob ni Julia kay Enrique bilang kaibigan ay, “Because of our personalities, were very much alike, nag-click ang personalities namin, nag-jive, boy version ni Julia Barretto,” sabi pa nito.

Samantala, bukod sa magkapareho ng personalidad sina Julia at Enrique ay iisa rin ang hilig nila sa pagkain at hindi nila ito itinago na type nila ang San Marino Corned Tuna.

Say ni Enrique, “I love it! Even before, San Marino Corned Tuna na ang palaging kinakain ko. Then, they got me as their endorser, wow, it’s like a win-win situation.

“Before I joined Bachelor Bash, I didn’t know anything, I was like 17 and the youngest at that time. And they told me, ang diet ko nga raw, I can eat crackers and San Marino Corned Tuna and since then, it was really effective.

“And what I enjoyed the most, naka-diet ako, pero, ang sarap ng kinakain ko, so, hindi mo mapi-feel na nagda-diet ka pala,” kuwento ng aktor.

Si Julia naman, “Actually, I learned it from Quen. Because on the set, this guy, he diets. And there are times na nakikita ko talaga sa diet niya ang corned tuna. Sometimes kasi, his face is smaller than mine sa screen.

Ha-hahaha! So, every time na may taping kami, I have to diet. I have to try what he does. And, masarap siya! “I’m just very grateful, it could have been anybody. It could have been a different pair.

But they trust Ken and I and coming from the past endorsers, it’s such an honour,” sabi pa ng dalaga.

( Photo credit to EAS )

Read more...