Gear mechanism damage


HINDI dapat ipagwalang-bahala ng ating texter ….. 3217, ng Tupi, South Cotabato, ang pagpalya ng clutch ng kanyang motorsiklo. Posible na madagdagan ang sira ng kanyang sasakyan kung hahayaan niya ito.

Ang sira sa gear change mechanism ay hindi lamang mananatili roon kundi makakaapekto rin sa pinakamalapit na mechanical operation—ang clutch mechanism.

Kung mayroong senyales na pumapalya na ang clutch o kung umiilaw ang fourth gear sa dash board pero ang clutch ay pumapasok sa neutral at kailangang diinan upang bumalik sa tarsera kailangan na itong ipasuri kaagad sa mekaniko.

Maraming motorista ang hindi pansin na kailangan nang magpalit ng gear. Marami rin ang nagmamadali na maipasok agad sa kuwarta ang gear.

Mababasa ang tamang pagpapalit ng gear sa manual na kasama sa pagbili ng bagong motorsiklo. Subalit dapat  unawain na rekomendasyon lamang ito at ang pagpapalit ng gear ay dumedepende sa tinatakbuhang kalsada.

Ang mga rekomendasyon sa manual ay maaaring para sa patag at maayos na kalsada hindi katulad sa malulubak at matarik na kalsada sa mga liblib na lugar.

Mayroon ding mga driver na hindi pansin na ang kanilang paa ay naka-apak na sa change pedal. Kung madalas itong gawin, mabilis na masisira ang gear change mechanism.

Dapat ay naramdaman na ang rider na pumasok na ang gear bago pihitin ang gasolina ng dahan-dahan. May mga pagkakataon din na naaalis sa kuwarta ang kambiyo at bumabalik sa neutral kapag pinipihit na ang gas control.

Classifieds Motor
PARA sa inyong mga
riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).

Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).

VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

MOTORISTA

Change oil
ANG motor ko ay Yamaha YBR 125G.  Ilang kilometro ba bago mag-change oil?  Ilang buwan o kilometro bago mag-tune up?
ARIEL

BANDERA
BALIKAN mo ang manual ng YBR 125G.  Malakas ang makina nito at kailangan ang up-to-date maintenance.  Kung wala ito sa manual, maaari kang magtanong sa Yamaha mechanic ng iyong dealer.

Karaniwan sa 125cc, ang pagpalit ng langis at tuwing 1,000 kilometers para mapanatili ang magandang laro ng lahat ng internal movable parts.  Ang tune-up ay puwedeng isagawa every 4,000 kilometers kung hindi puwersado ang makina.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Read more...