Daniel susugod sa Tacloban, may misyon para sa Yolanda victims


Tuloy na tuloy na sa darating na Sabado ang free concert ng Teen King na si Daniel Padilla para sa mga Yolanda victims sa Tacloban City. Ito ang kinumpirma ng nanay ni DJ na si Karla Estrada.

“Pinlano naming mag-ina ‘yung concert na ito para mapasaya namin ang mga kababayan namin and ito lahat galing sa aming dalawa lang talaga.

Siyempre merong mga tumulong sa atin but this is a free concert para sa mga victims ng Yolanda na gaganapin sa Leyte Sports Development Center,” anang aktres.

Hirit naman ni Daniel, “Scheduled na ito dati pa and may oras naman sa ganitong mga events so napasok naman natin. First time kong makakarating ng Tacloban after ng bagyo.

Siyempre nandu’n naman para magpasaya ng mga tao doon alam naman natin ang nangyari talagang nakakalungkot.”
Siyempre, makakasama ni DJ sa free concert na ito si Kathryn Bernardo.

( Photo credit to daniel padilla official fanpage )

Read more...