Jed Madela ‘inaatake’ kapag ka-duet si Lea


May pinangingilagan din pala ang 2005 WCOPA grand champion na si  Jed Madela pagdating sa kantahan?  Halos lahat ng kilalang mang-aawit sa bansa ay humahanga kay Jed dahil sa husay nitong mag-perform at sa powerful nitong boses kaya naman halos lahat ay saludo sa kanya, pero ang hindi alam ng lahat, may isang singer na kapag kasama niya sa stage ay inaatake na siya ng sobrang pressure, at yan ay walang iba kundi si Lea Salonga.

“Na-challenge talaga ako sa totoo lang kay Lea, kasi sobrang talas ng tenga no’n, konting mali, konting sablay mo lang, napupuna niya, so nakaka-pressure kapag si Lea ‘yung kasabay mo (kumanta),” pag-amin ni Jed.

Wala raw siyang hirap kapag sina Regine Velasquez at Lani Misalucha ang ka-duet niya, “Kasi sila, tapon lahat, so walang holding back, birit kung birit kumbaga, very powerful ang mga boses nila na kailangan kong sabayan.

“With Lea naman, very precise, so konting mali mo lang, halata (niya), nakakahiya. So talagang nakaka-pressure kapag si Lea ka-duet ko,” paglalarawan ni Jed.

Samantala, as of now ay wala pa ring special guest si Jed sa nalalapit niyang birthday concert sa Music Museum sa July 4 na may titulong “Jed Madela All Requests”.

( Photo credit to jed madela official fanpage )

Read more...