HOROSCOPE, JUNE 25, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, JUNE 25, 2014

Madam Sophia - June 25, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: May dagdag na salapi na matatanggap. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na kung paano paliligayahin nang hindi masyadong magastos ang kasuyo. Tandaang mahalaga pa rin ang pagtitipid at pag-iipon ng maraming pera. Mapalad ang 5, 18, 22, 32, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: Om-Purana-Om-Padma.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—  Iwasang maging mayabang.  Mas mabilis na uunlad kung patuloy na nagpapakumbaba. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, alalahining may sarili siyang pagkatao at pag-iisip. Mapalad ang 7, 16, 24, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Om Padma.” Beige at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Sa pag-ibig, hindi mo namamalayan, sinasamantala ng kasuyo ang iyong kabaitan—wag magpauto. Sa negosyo, iwasang magpautang kahit sa mga kakilala, malamang na hindi ka na naman mabayaran. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Aum Govinda.” Pink at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naalala, ganoon din naman siya sa iyo. Sa muling pagkikita ihanda ang iyong sarili sa masarap na romansa! Kaya naman ngayon pa lang ihanda na rin ang budget sa pakikipag-date. Mapalad ang 3,12, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Maroon at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   Upang suwertehin, iwasang topakin. Batiin ang bawat araw na puno ng pag-ibig ang puso. Sa pinansyal, ngitian ang bawat makakasalubong, potensyal sila na maaaring pagkakitan. Mapalad ang 1, 19, 28, 32, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma.” Violet at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Kusa lang na dumarating at lumilisan ang problema, kaya hindi ka dapat malungkot. Hawakang mahigpit ang pera para hindi agad maubos. Sa pag-ibig,  upang wag mawala ang kasuyo ipadama sa kanya ang isang wagas na pag-ibig. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Om.” Yellow at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Pagsikapang palaguin ang mga bagay na hawak mo sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan, mapapayapa ang isipan at mas mabilis kang yayaman. Sa pag-ibig, wag hayaang mawala ang kasuyong Libra. Mapalad ang 4, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Orange  at lilac ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa pinansiyal, malaking halaga ng salapi buhat sa malayong lugar ang di mo inaasahang matatanggap. Sa pag-ibig, bilisan ang paglilinis ng silid at buong kabahayan, darating ang kasuyong matagal mo ng hinihintay. Mapalad ang 6, 12, 19, 21, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Trata-Savitra-Om.” White at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pinansiyal, kahit gaanong karami ang pera, nauubos din kaya kailangang magtipid. Sa pag-ibig, maligong mabuti dahil muling matitikman ang kasuyo. Mapalad ang 3, 16, 18, 22, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Om.” Red at gray ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— May magandang kapalaran darating. Isang kaibigang mapayat ang magbibigay sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa isang ngiti ng kasuyo agad mapapawi ang problema. Mapalad ang 6, 12, 23, 28, 39 at 43.  Mahiwaga mong mantra:   “Visnu-Veda-Visnu-Vidya.” Lilac at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pinansiyal, laging maging praktikal upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, hindi kailangan ng kasuyo ang magarbong date. Sapat na sa kanya na mayakap at makasama ka lang kahit minsan. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi ka uunlad hangga’t ikaw ay isip-bata. Makakamit ang maturity kung tanggapin nang maluwag sa loob na ang lahat ay kusang lumilipas. Sa pinansyal, piliting palakihin ang kinikita sa kabila ng maraming gastusing kinakararap. Mapalad ang 3, 6, 18, 27, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Govinda-Om”. Lilac at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kahit na may mga pagsubok na dumaraing, tiis-tiis lang muna, darating ang saktong panahong uunlad at yayaman ka rin. Sa pag-ibig, pagtiisan din ang topaking kasuyo, darating ang araw magbabago din siya. Mapalad ang 8, 19, 27, 24, 31 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at beige ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending