TAWAGIN n’yo na lang akong Bert at huwag n’yo na pong ilagay ang buo kung pangalan.
Gusto ko lang po sana na itanong sa Aksyon Line sa tulong na rin ng PhilHealth kung ano po ang maibibigay na tulong sa akin ng Philhealth dahil na-diagnose po ako na positive sa HIV.
Ang sabi po ng doktor ko ay wala na raw lunas itong sakit ko bagaman hindi naman nakakahawa maliban na lamang kung sa sexual contact.
Kinakailangan ko po ng maintenance na gamot pampalakas ng immune system. Pwede po ba akong matulungan ng PhilHealth para sa aking mga gamot. Sana po ay matulungan ninyo ako.
G. Bert
REPLY:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid sa inyo na may benepisyo po ang PhilHealth para sa mga pasyente na na-diagnose ng HIV sa ilalim ng Outpatient HIV/AIDS Treatment (OHAT) Package.
Ang halaga po ng benepisyo ay P30,000 para sa isang taon. Kasama po sa benepisyo ang gamot, laboratory examinations, Cluster Difference 4 (CD4) level determination test, test para sa monitoring ng anti-retroviral drugs (AVR) toxicity at professional fees.
Upang makagamit ng benepisyo, kinakaila-ngan po na ang isang miyembro ay mayroong kontribusyon na tatlong buwan sa loob ng anim na buwan bago ang paggamit.
Mangyari lamang po na makipag-ugnayan sa mga accredited treatment hubs upang magamit ang benepisyo.
Sundan ang link para sa karagdagang impormasyon at listahan ng mga accredited treatment hubs: https://www.philhealth.gov.ph/circulars/2010/circ19_2010.pdf
Kung kayo po ay may nais pang linawin, maaari kayong tumawag sa aming Action Center hotline, 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph
Salamat po.
CORPORATE ACTION CENTER
Website:
www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center:
441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust
ream.tv/channel/dziq.vvv.