Kris ipinagdarasal si Jinggoy

SINABI ng aktres/TV host at bunsong kapatid ni Pangulong Aquino na si Kris Aquino na nananalangin siya na hindi maaapektuhan ang friendship nila ni Jinggoy sa pagkakakulong nito.

“Sa pulitika, marami nang napagdaanan pero siguro napatunayan na we have remained friends and I pray that we will continue to remain friends,” sabi ni Aquino sa kanyang  talk show na “Aquino & Abunda Tonight” kung saan kasama niya si  Boy Abunda.

Inamin ni Aquino na kinausap siya ni Estrada bago at pagkatapos ng kanyang privilege speech sa Senado noong Hunyo 11.
Ayon kay Aquino, sinabi sa kanya ni Estrada na nag-aalala siya para sa kanyang mga anak, lalo na sa walong-taong-gulang na si  Jill.
Aniya, hindi makakaapekto ang politika sa  pagkakaibigan nila.

“Our prayers are with you. I am sure they have the best lawyers possible. To their whole family, we will be praying,” dagdag ni Aquino.

Read more...