Coco mas lalong sinuswerte habang sinisira ng bashers | Bandera

Coco mas lalong sinuswerte habang sinisira ng bashers

Ervin Santiago - June 24, 2014 - 03:00 AM


Umaasa ang bida sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ikaw Lamang na si Coco Martin na magkikita at magkakausap din sila nang personal ni Nora Aunor tungkol sa walang katotohanang isyu ng utangan sa pagitan nila.

Ayon sa tinaguriang Teleserye King ng ABS-CBN, ang mahalaga ay alam nila ng Superstar kung ano ang totoo at hindi sila papayag na basta na lang masira ang kanilang pagkakaibigan.

“Actually wala pa lang sigurong definite time. Pero sabi ko naman, wala naman problema. Alam naman ni Ate Guy yan kasi unang-una hindi naman totoo. Pangalawa, si Ate Guy, dapat hindi na pinapansin ang ganyang issue,” ani Coco.

Inamin ni Coco na sumama ang loob niya sa pagkalat ng nasabing tsismis na wala namang bahid ng katotohanan, “May mga tao lang talaga na hindi nakukuntento hangga’t hindi nakakapanira ng kapwa.

Ako honestly, ayoko nang patulan ang mga ganyan.” Samantala, naniniwala kami na habang pinababagsak ng ibang tao si Coco, patuloy naman siyang inuulan ng blessings.

Bukod sa isang certified blockbuster hit ang movie nila ni Sarah Geronimo na “Maybe This Time”, patuloy sa paghataw sa ratings game ang serye nila nina Kim Chiu, Jake Cuenca at Julia Montes na Ikaw Lamang na napapanood pa rin mula Lunes hanggang Biyernes sa Primetime Bida after Dyesebel.

Ngayong linggo, asahan ang mas kapana-panabik at mas nakagugulat na mga twist sa paborito n’yong teleserye.  Mas marami pa raw kayong dapat abangan na acting showdown sa mga susunod na episode ng Ikaw Lamang na pinagbibidahan din nina Tirso Cruz III, Angel Aquino, Cherrie Pie Picache, John Estrada at marami pang iba.

( Photo credit to coco martin official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending